LUISEE Habang papasok ng bahay, bagamat may halong pag-aalala na makikita sa mata ng mga ito ay nakangiting sinalubong ako ng mga magulang ni Earl. Hindi ko maiwasan na gantihan sila ng ngiti dahil napaka-approachable nilang tao. Kinabukasan na ako pinalabas ng doktor. Sa magdamag na iyon ay ang dalawa ang nagbantay sa akin sa ospital. Hindi ko naman magawang matulog ng matiwasay dahil pakiramdam ko ay may mga matang nakatitig sa akin. Kaya wala rin akong maayos na tulog. "Iha, you're finally home. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Ma'am Violy. "Okay lang po ako," sagot ko. "Inayos ko na ang magiging kwarto mo, Iha. Feel at home, okay. H'wag kang mahiya rito. Bahay mo na rin ito." Sabi pa nito. "Salamat po ma'am," saad ko. Nanlalaki ang mata at napatutop pa ito sa bibig

