LUISEE Habang naghihintay ako kay Haru ay inabala ko muna ang sarili sa pagmamasid sa loob ng shop. Kasalukuyan kaming nasa isang shop ng mga salamin sa mata. Sinabi ko sa kan'ya na h'wag ng mag-abala na bilhan ako ng salamin dahil hindi naman malabo ang mata ko. Sadyang humahapdi lang dahil matagal na nakatutok sa computer pero hindi ako nito pinakinggan. Pinilit parin ang gusto nito na bilhan ako ng salamin. Ito na rin ang pumili ng isusuot kong salamin. Wala naman grado ang binigay sa akin ng nag-assist. Ang binigay nito sa akin ay panlaban lang sa radiation ng computer. Napaisip tuloy ako. Kasama rin ba sa pagpapanggap namin na bilhan ako nito ng mga kagamitan? Hindi ko nga tinanggap ang binigay niya sa akin kanina ngunit heto na naman siya, binilhan na naman ako kahit pilit akong

