LUISEE Napaangat ako ng mukha nang bumukas ang pintuan. Mapait akong ngumiti ng bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Haru. Ang balak ko sana ay hindi na ako bumalik rito sa condo niya. Pero ayaw ko ng gawin ang ginawa ko na basta na lang akong umalis ng hindi man lang nagpaalam. Sa pagkakataong ito ay kakausapin ko na ito ng maayos bago ko gawin ang nabuo kong desisyon. Tumatawag siya pero pinili ko na lang ang hindi sagutin dahil baka mas lalo lang siyang mag-alala kapag narinig niya akong umiiyak. Kahit pilitin ko na hindi umiyak ay marinig ko palang ang boses niya ay hindi ko mapipigilan ang sariling umiyak. Habang hinihintay ko siyang dumating ay wala namang tigil sa pag-agos ang luha ko. Ngayon nga ay namumugto na ang mata ko dahil simula ng dumating ako sa condo ay umiiy

