LUISEE Hinintay kong dumating ang mga kaibigan ni Haru. Baka sakaling makinig ito sa kanila. Hindi naman ako sumuko na pakiusapan siya na pagbuksan ako ng pinto ngunit hindi niya ako pinapansin. Baka nga napagod na siya sa akin. Nabuhayan ako ng loob ng makita ko si Drixx at Zick na nagmamadaling lumapit sa kinaroroonan ko. "What happened Lui?" tanong agad sa akin ni Drixx. Hindi ako sumagot bagkus ay yumuko ako. Kagat ang ibabang labi ay hindi ko napigilan na tumulo ang aking luha. "Lui," tawag sa akin ni George na ikinaangat ko ng mukha. Palapit ito sa kinaroroonan ko kasama si Syke. Nang makalapit ito sa akin ay agad ko itong niyakap at saka ako humagulgol ng iyak. Marahan naman ako nitong hinagod sa aking likod. "S-si Haru, a-ayaw n'ya na sa'kin. A-ayaw n'ya na akong makita

