LUISEE Mabigat ang paa at laglag ang balikat na umalis ako sa aking kinatatayuan habang walang tigil sa pag-agos ang aking luha. Hindi ko na s'ya naabutan. Hindi n'ya na ako nahintay. Pumasok ako sa pintuan kung saan ako lumabas kanina. Sa hagdan parin ako dadaan. Kapag sa elevator pa ako dumaan ay baka may makakita pa sa akin. Isa pa, tagaktak na ako ng pawis at mugtong-mugto na ang mata ka sa kakaiyak. Umupo muna ako sa hagdan para kalmahin ang aking sarili. Kasabay nito ang pag hagulgol ko. Kung may makakarinig sa iyak ko ay baka isipin na may multo rito sa hotel. Hindi ko man siya naabutan ay hindi nagbabago ang desisyon ko. Kailangan ko na itong panindigan. Panahon na naman siguro na ako na ang gumawa ng paraan para sa aming dalawa ni Haru. Napag-isip-isip ko na hindi ko na

