LUISEE Mabilis na lumipas ang araw na aking hininging pahinga sa trabaho. Ngayon nga ay tinatahak ko ang daan patungo sa bahay ng mga Quisedas. Pinasundo na kasi ako ni Earl. Ito ang araw na sinabi niyang mag-uusap kaming dalawa. Ngayon palang ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung ano ba ang una kong dapat sabihin kay Earl. Nanginginig ang buo kong kalamnan sa sobrang kaba. Huling dalaw niya sa bahay ay niyaya siya ni tatay na mag-inuman. Dahil mag mamaneho pa siya pauwi ay hindi siya gaanong uminom. Hindi na rin ako lumabas ng kwarto nang pinatulog ko si Lance. Lumabas lang ako ng kumatok si tatay at sinabing aalis na raw si Earl. Tahimik kami pareho ng hinatid ko siya sa labas ng bahay. Gusto ko na sana magtapat ngunit pinanghinaan ako ng loob. Nawalan ako ng lakas ng loob

