LUISEE Araw ko ngayon pero tamad na tamad akong bumangon. Hindi katulad kahapon ay napaka-sigla ko. Ibang-iba ngayong araw dahil ang tamlay ko. Naupo muna ako sa aking higaan. Niyakap ko ang aking tuhod at pinatong ang aking baba. Ilang minuto ako sa ganoong posisyon. Tinatamad akong kumilos. Mabuti na lamang at natapat ng weekend ang birthday ko. Hindi ako nagmamadaling kumilos lalo na ngayon na wala akong ganang gumalaw. Napukaw lang ang malalim kong pag-iisip ng may kumatok sa pinto. Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng aking unan. Sinilip ko kung ano'ng oras na dahil may kumakatok sa labas ng aking silid. Mamaya pa ang lakad namin ni Earl. Alas-otso palang ng umaga. Sino naman… Nang bigla akong nabuhayan. Walang ibang kumakatok sa pintuan ng silid ko ng ganito kaaga kun'di si Har

