BUONG sayang nakangiti si Elena habang hinahaplos-haplos si Whitey. Ang paborito niyang kabayo. Balak niyang mag-ikot-ikot sa hacienda at saka tutungo sa malaking talon. Ilang araw na rin ang lumipas - namimiss na niyang maligo sa napakagandang talon ng mga Del Fio. "Handa ka na ba, Whitey? Mag-iikot-ikot tayo ngayon," nakangiting wika niya habang hinahaplos ang mahabang buhok nito. Nasa akto siya ng pagsasampa nang marinig niya ang may kalakasang tikhim, kasabay ng paggalaw at pag-ungol ng kabayo. Dahil sa pagkabigla, nadulas ang kanyang paa at muntik na siyang mahulog kung walang humawak sa kanyang balingkitinan. Kasing bilis siyang napalingon. At ganoon na lang ang pagkagulat ni Elena at ang mukha na naman ni Henri ang nakita niya. Kaagad siyang umatras, kunot ang noo. Hindi t

