KINAUMAGAHAN Seryosong mukha ang ipinakita ni Henri kay Gail. Yukong-yuko naman ang secretary niya ng lumapit ito sa kanya. Tila ba nahiya sa kabaliwang ginawa nito kahapon. "Iyong kahapon, Sir Henri, humihingi ako ng paumanhin, sobra akong nahihiya sa kabaliwang ginawa ko," sabay kagat-labi nito. "Kalimutan niyo na sana iyong nakita niyo sa akin." Napaiwas nang tingin si Henri nang titigan siya nito sa mga mata. Naalala niya bigla ang malusog at maputing dibdib nito. Hindi niya maikakaila na uminit din ang junior nya Ngunit hindi siya patutukso kahit pa magwala ang p*********i niya. Kung bakit bigla ba naman nitong ipinakita ang katawan sa kanya. Lihim siyang napailing. Isang tikhim ang pinakawalan ni Henri. "Magmula bukas, h'wag ka nang magsusuot ng ganiyan, Gail. Kaya siguro, p

