NANLAKI ang mga mata ni Elena nang mapansing hahablutin nito ang suot niyang bra! "Huwaaag --!" Nang sabay-sabay silang napalingon nang lumagabog ang pintuan. Ganoon na lang ang paghagulhol ni Elena nang makita ang nobyo. "Fvck!" rinig niyang wika ni Joven. Sunod-sunod na sumugod ang apat na kasamahan ni Joven. Ngunit napakurap-kurap si Elena nang makita kung gaano kabilis makipaglaban ang nobyo niya, at kaagad nitong napabagsak ang apat na lalaki. Ang ikinasigaw at ikinatili ni Elena nang marinig ang putok ng baril. Biglang napaawang ang kanyang bibig at nanginig ang kanyang katawan nang makita niyang nakatayo si Henri at nakatutok ang baril nito sa apat. Nangatal ang kanyang bibig nang makitang may tama ng baril ang apat na lalaki. Sa tapat ng dibdib, braso, sa hita, sa tagiliran

