TATLONG araw ang lumipas. "Bye, Elena. Mag-iingat ka!" Kinawayan niya si Laila habang may ngiti sa labi. "Ingat ka rin!" Pasimple pa itong kumagat-labi. Natatawa na lang si Elena. Kasa-kasama kasi nito ang lalaking gustong-gusto nito. Tumingin siya sa orasan. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Elena. Mag-a-alas singko pa lang ng hapon. Napaaga ang uwi nila ngayon. Bahagya siyang tumabi, kung saan hindi pansinin ng mga tao. Ilang minuto pa ang paghihintayin niya bago dumating ang nobyo. Nanunuod siya ng youtube sa sariling cellphone nang may biglang humintong itim na Van sa harapan niya. Bago pa makakilos si Elena, parang kasing bilis ng kidlat na nahawakan siya ng dalawang lalaking naka-bonnet at tinakpan ang bibig niya gamit ng panyo. Ni hindi man lang siya nakasiga

