MALALAKAS na katok ang pinapakawalan ni Henri para lang lumabas ang kasintahan niya. Natigilan siya ng isang babae ang humarap sa kanya. "Where's Elena?" hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Sumilip pa siya sa loob. Isang tikhim ang pinakawalan nito. "Wala siya rito --" Isang singhap ang kumawala sa bibig nito ng bigla niya itong sakalin. Ubos na ang pasensya niya. Hindi siya papayag na itatago ng mga ito ang nobya niya. Kailangan niya itong makausap! Hindi siya papayag na hiwalayan nito! "Palalabasin mo siya o masasaktan kita--" "OMG!" Biglang nabitiwan ni Henri ang leeg ng babae at kaagad itong lumapit kay Elena. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito dala ng galit. Hanggang sa harapin nito ang babae. "I'm so sorry, Miss Cythia. Kakausapin ko lang siya." Tumalim ang

