DALAWANG Linggo ang lumipas. Kagat-labi si Gail habang nakatitig sa harap ng condo ni Henri. Hanggang sa ilang beses siyang kumatok. "Nasaan ba ang lalaking iyon?" Sumasakit na ang kamay niya sa kakakatok ngunit wala man lang siyang maramdamang kaluskos sa loob. Imposible namang wala ito rito? Mag-a-alas sais na ng hapon. Sinadya niya talaga iyon para may dahilan siyang akitin ito. Hindi yata siya papayag na agad siya nitong itataboy. Ngayong wala na ang babaeng Elena na iyon, gagawin niya ang lahat mapansin lang siya ni Henri! "Henri, nasa loob ka ba?" natatangang anas ni Gail. Nayayamot na siya at ilang minuto na siyang nakatayo at kumakatok, ngunit wala man lang siyang maramdamang may tao sa loob! Nang maisipan niyang pihitin ang seradura ng pinto. At ganoon na lang ang pa

