NATITIGAN ni Cythia si Elena na tahimik na nakatulala. "Tingnan mo, madam si Miss Elena, ilang Linggo na 'yang nakatulala. Mukhang hindi pa yata nakaka-move on, sa ex niya," daldal na sambit ni Luzy. Napaikot naman ang mga mata ni Cythia. "Minsan talaga hindi mo ginagamit, utak mo. Sino namang babae ang makaka-move on ng ganoon kabilis?" Napangiwi naman ito. Tumayo naman si Cythia at nilapitan ang alaga niya. Hindi siya papayag na maapektuhan nito ang trabaho. "Hey, Elena!" Napalunok si Cythia at mukhang hindi siya naririnig. Pansin niya ang tinginan ng ilang staff. "Elena!" Isang ngiti ang pinakawalan ni Cythia nang mapakurap-kurap ito na tila nagising sa mahabang pagkakatulog. "Magsisimula na ang shoot. Ayos ka lang ba o masama ang pakiramdam mo?" tanong ni Cythia. Isang

