MULA sa pagkakayuko ng biglang napaangat ng tingin si Henri. At ganoon na lang ang pagkasurpresa niya nang makita ang nobya. "Baby!" Kaagad siyang tumayo. Ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang paglumikot ng mga mata nito. Mahigpit niya itong niyakap sabay halik sa labi nito. Nagtataka namang napakunot-noo si Henri at titig na titig ito sa kanya. "May dumi ba ako sa mukha?" Gumuhit pa ang simpatikong ngiti sa labi niya at hindi niya maiwasang kiligin dahil sa mga titig ng nobya. Natigilan siya nang titigan siya nito mula ulo hanggang paa. Hanggang sa matawa si Henri nang huminto ang mga mata nito sa p*********i niya. Wala sa sariling napadila siya. Sa isiping kaya ito napasugod sa opisina dahil sabik na itong matikman ang mahaba at malaking sandata niya! "Kaya ba napasugod ka dah

