ISANG yakap mula sa likuran ang naramdaman ni Elena. Hanggang sa halikan siya nito sa leeg. Nagluluto siya ng mga oras na iyon. "Baby.." he whisper. "Ahmm?" Naramdaman niya ang mahinang buntong hininga nito. Lihim na napalunok si Elena ng haplusin nito ang tiyan niya. "Wala pa rin ba?" tanong nito. Ramdam ni Elena ang pagkabog ng kanyang dibdib. "Wala pa e." Nakagat niya ang ibabang labi ng dahan-dahan siya nitong pinihit paharap. Pinakatitigan sa mga mata. "Magda-dalawang buwan na, wala pa rin?" Umiling si Elena. Bigla itong napatingala at napapikit nang mariin. Napahilot din sa sariling sintido na tila problemado. "Humihina na yata ako, kailangan siguro nating oras-orasin --!" Nang mahina niya itong hinampas sa braso. Inirapan niya rin ito. "Puro ka talaga kalukuhan,

