MUNTIK nang mabuwal sa kinatatayuan si Elena nang makita ang itsura ni Joven. Maga ang mukha nito, at halos hindi nito maimulat ang mga mata dahil sa sugat na natamo nito. Namamaga rin ang mga labi nito. Namumutok iyon at bakas pa ang sugat sa labi nito. Ramdam ni Elena ang panginginig ng katawan niya, ang pamamasa ng mga mata niya. "'Yan ang ginawa ng nobyo mo, Elena. Binugbog ang anak ko at halos patayin na niya!" Ramdam ni Elena ang galit sa boses ni Mr. Sy. Napayuko siya. Namuo ang luha sa mga mata niya, nakaramdam ng galit sa nobyo. Samantalang tahimik lang si Joven at nakayuko rin ito na tila kaawa-awa ang kalagayan nito. Subalit, totoong nakakaawa ang itsura nito. Kulang na lang yata, masira ang mukha nito dahil sa ginawa ng nobyo niya! Bumigat ang pakiramdam ni Elena

