NAPAMULAT si Elena nang maalalang may isang bagay pa pala siyang lilinawin sa nobyo, iyon ang makabalik siya sa Modeling Agency. Nang maramdaman niyang gumapang ang kamay nito papunta sa likuran niya, maagap niya itong pinigilan. Napalunok si Elena nang titigan siya nito. "Ahmm, papahintulutan mo pa naman akong bumalik sa KZ Modeling Agency, 'di ba?" Sandali itong hindi nakakibo. "Sa ngayon, yes. Pero oras na magbuntis ka, kailangan mo nang umalis sa kompanyang iyon at tumigil sa pagtatrabaho. Siguraduhin mo lang na hindi muna uulitin, iyong ginawa mo, baby. Ayokong maraming nakakakita ng katawan mong 'yan." Lihim na napalunok si Elena. Kaagad nga rin siyang napayuko. Mukhang seryoso nga itong buntisin siya at oras na mangyari iyon, hindi na pala siya maaaring makapagtrabaho?

