KINAUMAGAHAN Naalimpungatan si Elena dahil sa sunod-sunod na tawag mula sa kanyang cellphone. Nasa center table iyon. Patamad niya iyong kinuha at 'agad sinagot ang tawag habang papikit-pikit pa. "H-hello.." "Elena!" Biglang napamulat si Elena ng marinig ang boses ng kanyang manager. "Ma'am Belenda --" "Elena..!" At bigla na lang itong humikbi na ikinabangon ni Elena. "Ano pong nangyari --" "B-bakit hindi mo sinabi sa akin na si Henri Augusto pala ang boyfriend mo? Alam mo ba ang ginawa niya?" At lalo itong napaiyak! Napalunok naman si Elena. Sa isang iglap naglaho ang antok niya. Lumakas din ang kabog ng dibdib niya sa isiping baka may ginawang masama ang nobyo niya! "Ipinabura niya ang lahat ng litrato mo! At balak pa niyang ipasara ang KZ Modeling Agency!" "Ho?!" Gulat

