UMIINIT ang sulok ng mga mata ni Henri habang pinipigilan ang galit na unti-unting bumubugso sa kanyang dibdib. Hanggang sa maramdaman niya ang pagbukas-sara ng pinto. Nang mga oras na iyon nakaharap siya sa bintana habang hinihintay ang kasintahan. "Mahal --!" "Saan ka nanggaling?" tanong niya ngunit nanatili pa rin siyang nakatalikod. "Sinabi ko naman sa iyo - kay Cythia." Gumuhit ang sakit sa mga mata ni Henri. Hindi niya akalaing matagal na siya nitong pinagsisinungalingan! "Really?" malamig pa sa bangkay na bigkas niya sabay pihit paharap. Prente pa itong nakaupo sa sofa na tila wala itong pakialam sa kanya. Ni hindi man lang siya nilapitan upang yakapin at halikan. Lalong naramdaman ni Henri ang sakit sa dibdib! Para siyang nababakla at gusto niyang maluha sa sama ng loob

