ISANG Linggo ang lumipas. Walang ginawa si Henri kun'di ang magmukmok at hintayin ang nobya. Ni hindi siya pumupunta ng opisina. Paano nga naman siya gaganahan sa trabaho kung sa isang Linggong lumipas, ni hindi niya ito nakausap. Noong sinubukan niya itong tawagan, hindi naman nito sinasagot at laging sinasabi nito sa text messages, masyado itong abala at pagod na rin sa buong maghapon. Sa bawat araw na lumipas, sama ng loob at sakit ang naramdaman ni Henri. Hindi rin niya maitatanggi na pinapapatak nito ang luha sa kanyang mga mata dahil nagagawa siya nitong tiisin. Na para bang ipinapakita nito sa kanya na 'di siya gaanong kahalaga rito. Nasasaktan siya sa isiping unti-unti itong nanlalamig sa kanya. Minsan, napapatanong siya sa sarili - mali ba ang ginagawa niya? Samantalang kar

