SANDALING natigilan si Cythia nang mapansing namamaga ang mga mata ni Elena. "Hey, Elena. Are you okay? Bakit umiyak ka?" Hinaplos pa ni Cythia ang mahabang buhok nito. Nang bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ni Elena. "N-nag-away lang kami ni Henri, Miss Cythia. D-dahil nalaman niyang nagpapa-inject ako upang maiwasan ang pagbubuntis." Natigilan si Cythia. Hanggang sa lihim na kumislap ang kanyang mga mata at gumuhit ang pasimpleng ngiti sa mga labi niya. May pagkakataon na siyang kumbinsihin si Elena na iwanan nito ang Henri Augusto na iyon! Kaagad itong niyakap ni Cythia, ipinakita niya sa alaga na labis siyang nag-aalala rito. Ang totoo, gustong-gusto niya si Elena bilang modelo niya. Hindi maitatanggi ni Cythia na lalong naging maingay ang KZ Modeling Agency, dahil s

