"ANO ba?!" Inis na binalingan ni Elena si Joven. "Sinabi ko naman sa iyong makakapaghintay ako, hindi ba? So, bakit iniiwasan mo ako?" tanong nito sa kanya. Nang akmang hahawakan nito ang kamay niya, agad siyang lumayo. Ramdam ni Elena ang pamumula ng kanyang mukha dala ng matinding pagkayamot dito. Kanina pa ito nangungulit sa kanya. "Sinabi ko na sa iyong hindi ako handa --" "Pero maghihintay naman ako! H'wag mong sabihing nagustuhan mo na rin ang matandang Henri Augusto na iyon, Elena?" Hindi siya nakakibo. "Isa siyang mamamatay-tao, Elena! At ang tanda-tanda na niya para sa iyo. Isa siyang masamang tao! Hindi siya karapat-dapat--" "At sinong magiging karapat-dapat sa akin? Ikaw?" Talagang kompiyansa itong tumitig sa kanyang mga mata. Tumayo rin ito ng tuwid sa harapan

