CHAPTER 35

1590 Words

ARAW ng debut ni Elena. Sa kabila na napakagandang event ang magaganap sa kanya ng araw na iyon, hindi magawang maging masaya ni Elena. Iyon ay dahil hindi niya nakikita si Henri. Simula kaninang umaga, hinihintay na niya ito, ngunit hapon na lahat-lahat, hindi pa rin ito pumupunta. Gusto na niyang maiyak sa sobrang pagtatampo! Mayroon nga itong inihandang El Grandeng Event para sa kanya rito sa bayan ng San Francisco Hinawasan, ngunit wala naman ito. Kanina pa tuloy hindi maipinta ang mukha niya. Tila, nawalan ng saysay ang ganda ng gown na suot-suot niya. Ito pa nga mismo ang nagbili nang lahat. Nalaman na lang niya iyon nang ibigay na 'yon ng kanyang ina. Kumuha pa ito nang mag-aayos sa kanya. Sobrang saya niya kanina dahil umaasa siya na agad itong pupunta dahil sabik itong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD