SA sasakyan. Akmang hahalikan siya ni Henri nang agad siyang umiwas. Hindi pa rin nawawala ang pagtatampo niya. "Saan mo ba ako dadalhin?" Masungit na mukha ang ipinapakita niya rito. Pinagkrus pa niya ang dalawang braso sa dibdib niya. Kung bakit bigla na lang siya hinila nito palayo sa venue. Iniwan nilang nagkakasiyahan ang mga bisita—aliw na aliw ang mga ito sa pagsasayaw kaya hindi sila napansin. "Galit ka pa rin ba?" Pilit nitong kinukuha ang kamay niya, ngunit nagmamatigas siya. Hindi siya kumibo. "Hindi rin naging madali para sa akin ang ginawa ko kanina, baby. Kung alam mo lang—halos mabaliw na ako kanina. Ngunit nagpigil ako dahil gusto kong mas maging espesyal ang pagkikita natin sa debut mo." "Anong espesyal doon? Pinaiyak mo ako!" Kandahaba ang nguso niya sa pagta

