ILANG araw ang lumipas, simula noong magkausap sila ni Joven. Laking pasalamat ni Elena at hindi ito nagpapakita sa kanya. Iniisip na lang niyang marahil, titigil na ito sa kalukuhan nito. Hindi talaga maintindihan ni Elena kung bakit siya pa rin ang pilit nitong kinukuha. Samantalang sandamakmak na kadalagahan ang nagkakagusto rito. Magaganda at galing pa sa mayayamang pamilya. O marahil naapakan ang ego nito dahil hindi niya ito pinili noon? At ngayon, gustong-gusto pa rin nitong ipilit ang sarili, marahil gustong ipakita nito na ito ang mas nararapat sa kanya? Napailing si Elena. Unang-una, hinding-hindi na siya magiging karapat-dapat dito dahil naibigay na niya ang sarili kay Henri. Pangalawa, wala siyang nararamdamang pagmamahal kahit no'n pa man. Lalo lang domoble ang inis

