HINDI mawala-wala ang ngiti sa labi ni Elena dahil sa kabaitang ipinapakita sa kanya ng mga kasamahan sa KZ Modeling Agency. Ramdam niyang welcome na welcome siya sa Team KZ. Lagi silang nakangiti at talagang masayahin - hindi man lang siya nakaramdam ng pagkabagot dahil magaling silang makisama. Maya't maya siyang kinakausap ng Manager. Isa itong lalaki ngunit tinatawag na Belenda dahil sa pusong babae nito. Ang totoong pangalan nito ay Bernardo Pilitosis. Ipinagtataka nga ni Elena at napakabait nito sa kanya. Lagi itong nakangiti at lagi siyang isinasama sa usapan. Labis nga siyang nahihiya at napuri nito ang ganda niya. Nagawa pa nitong haplus-haplusin ang mahabang buhok niya. Wika nga nito, bagay din daw sa kanya ang maging isang modelo, ngunit kaagad siyang tumanggi, hindi ni

