LUMIPAS ang mga araw at Linggo. Nagtaka si Elena nang makitang seryoso ang guwapong mukha ng kanyang nobyo. Kahit nginitian niya ito, hindi man lang siya nito sinuklian. "Hi --" Nang bigla siya nitong tinalikuran, ngunit upang pagbuksan ng pinto ng sasakyan. 'Di mapigilang kabahan ni Elena. Biglang pumasok sa isip niya, baka nalaman nito ang pakikipag-usap niya paminsan-minsan kay Joven. Hindi malabo iyon, lalo na't mayaman itong tao. Pagkapasok nito sa loob ng sasakyan, 'agad niya itong binalingan. "Galit ka ba?" "Sa condo tayo mag-usap." Napalunok si Elena at gumagalaw ang panga nito at madalas ang pagpapakawala nito ng buntong-hininga. Tahimik na lamang siyang tumango. Pagkarating sa condo, kaagad siya nitong hinarap. Pinakatitigan ngunit salubong ang kilay nito. "Bakit

