SANDALING natitigan ni Elena ang malapad na likuran ng nobyo. Hanggang sa dahan-dahan siyang humakbang at tahimik itong niyakap mula sa likuran. Sa kabila na nakakaramdam siya ng stress dahil sa pagiging seloso nito, mas nananaig pa rin ang pagmamahal niya rito. Ikinurap-kurap ni Elena ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang nanunubig iyon. Mahigpit niya itong niyakap kahit walang tugon mula rito. "Tatapusin ko lang itong taon na ito.." wika ni Elena. "Pangako, iiwasan ko siya kung 'di rin dahil sa trabaho ang sadya niya sa akin." Hindi pa rin ito kumibo. Mariing nakagat ni Elena ang ibabang labi. Unti-unti siyang nasasaktan dahil sa kawalan ng tiwala nito sa kanya. Akmang bibitaw siya sa pagkakayakap dito ng maramdaman niya ang paghawak nito sa mga kamay niya. Hanggang sa pum

