KINABUKASAN Patamad na naglakad si Elena patungong hacienda. Wala sana siyang balak pumunta kung hindi lang nakalimutan ng kanyang ina ang ilang gagamitin nito sa kusina. Ngunit balak din naman niyang umuwi agad dahil hindi niya gugustuhing makita ang dalawang iyon - halos hindi siya pinatulog kagabi! Nakahinga nang maluwag si Elena nang makitang wala si Henri at si Abe. Iyong mga trabahado, abala sa kaniya-kaniyang gawain. Ngunit nandoon ang mapang-asar niyang kaibigan. Ngiting-ngiti na naman ito na para bang may oras na ito upang inisin siya. "Salamat anak at naihatid mo ang mga ito." Tumango siya. Pagkatapos niyang batiin sina Aling Susing, Aling Maling at Aling Marie, kaagad din siyang nagpaalam sa ina. Ngunit agad nagprotesta ang kaibigan niyang si Laila at pilit siyang kin

