SAMANTALANG lihim na kinakabahan si Henri habang pasimpleng pinagmamasdan si Elena. Ilang beses siyang napalunok dahil sa nerbyos! Hindi niya gustong pagselosin ito, ngunit naniniwala siyang sa kanyang kasalukuyang ginagawa, malalaman niya kung, sa tagal niyang pagpapansin dito, may nararamdaman ba ito para sa kanya. Kung pagbabasehan sa kilos at galawan nito, para bang may lihim na itong gusto sa kanya. Ngunit gusto niyang makatiyak, kaya pumayag siya sa kagustuhan ni Abe. May sakit ang dalaga - tinulungan niya ito sa lahat ng gastusin sa hospital dahil na rin sa kabutihan ng mga magulang nito. Hanggang sa ito nga mismo ang nakaisip ng idea na pagselusin nila si Elena para malaman niya kung talaga bang wala itong nararamdaman sa kanya. Sa umpisa, tumanggi siya. Dahil natatakot si

