"P'WEDE na ba akong umuwi, inay?" tanong ni Elena. Nasa hacienda siya ng mga oras na iyon. Hindi man niya gustong pumunta, ngunit nakiusap ang kanyang ina na tulungan niya ito sa pagluluto at hindi makakapasok sina Aling Marie at Aling Susing. Kanina pa hindi mapakali si Elena dahil sa takot na baka dumating na naman si Henri kasama ang Abe na iyon. Simula nang makita niya ang kalambingan ni Henri sa dalagang si Abe, doon lang niya napagtanto kung anong nawala sa kanya. Doon lang din niya na-appreciate kung anong mga ginawa sa kanya noon ni Henri na ngayon ay sa ibang babae na ginagawa. Doon lang din naramdaman ni Elena ang masaktan nang dahil sa isang lalaki! Hindi niya matanggap na masasaktan siya nang isang Henri Augusto! Ngunit sa kabila nang sakit, kaagad niyang tinanggap na

