CHAPTER 5

1336 Words
KINABUKASAN. Napalundag sa gulat si Elena nang marinig ang isang tikhim. Kumunot ang kanyang noo nang makita niyang nakatayo si Henri sa kanyang likuran. Isang ngiti ang pinakawalan nito. Hindi niya ito sinuklian at tila nakaramdam na naman siya nang inis. Hindi pa rin niya makalimutan ang sinabi nito kahapon—tila inakala nitong may gusto siya sa kaniya. Kaya hindi niya napigilan ang sarili at bumitaw ng masakit na salita: ang sabihing hindi siya magkakagusto rito. Hindi niya inakala na sobrang taas ng kumpiyansa nito sa sarili—na akala 'ata nito magugustuhan siya ng isang napakabatang kagaya niya! Nayabangan siya dahil doon! Akala yata ng lalaking ito, dahil sa kaguwapuhan nito, papatulan siya ng lahat ng dalaga rito sa Hinawasan. "Ano hong ginagawa niyo rito?" tanong ni Elena. Kahit papaano, pinairal niya ang paggalang dahil sa pagkilala niyang tauhan ito ni Sir Christopher — ang asawa ni Ma’am Zasha. Mahirap nang mabanggit nito sa mag-asawa na di siya marunong makitungo nang maayos. Ayaw naman ni Elena na dahil sa bahagyang inis na nararamdaman niya e, madamay pa ang kanyang mga magulang. "Tutulong din para mamitas - sinabi sa akin ng tatay mo na maaari mo akong gabayan.." Sandaling natigilan si Elena. Lalo lang siyang nakaramdam ng inis at pakiramdam niya, gumagawa ng paraan ang lalaking ito! Hindi kaya - ang lalaking ito ang may gusto sa kanya? Tila biglang kumabog ang dibdib ni Elena. Sa dami ng kadalagahan sa hacienda, bakit siya pa ang nilalapitan nito? Bigla siyang napalunok nang wala sa oras. Lihim din siyang napailing-iling! Isang malaking pagtanggi kapag nangyari iyon! Iba na lang - 'wag lang siya! "Kailangan pa ba kitang gabayan? Mamimitas ka lang naman ng mga prutas. Hindi na kailangan ng gabay mula sa akin." Muntik nang mapapikit si Elena nang mapagtantong hindi siya nakagamit ng paggalang dahil sa nararamdamang inis sa lalaki. Pansin niya ang malalim nitong mga titig, hanggang sa nagpakawala ito nang tikhim at inilibot ang paningin. "Maaari mo siguro akong kwentuhan tungkol sa haciendang ito - siguro naman marami kang alam sa pasikot-sikot dito. Ano kaya ang maaari mong maipaglaki sa akin sa hacienda ng mga Del Fio?" At saka nito nagawang bumaleng sa kanya. Gusto pa niyang mapaikot ng mga mata at mukhang balak pa siyang gawing assistant nito. "Wala ho akong oras ngayon para makipag-kuwentuhan sainyo, Sir Henri. O ikuwento ang --" "Kami na lang ang mag-a-assist sa iyo, Sir Henri--" sabat ni Laila na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Kasama pa nito si Abe. Pasimple pang inayos ni Abe ang mahabang buhok nito. "Oo nga, Sir Henri. Kung gusto mo, ililibot pa kita.." sabay ngiti ni Abe at talagang kumagat-labi pa. Si Laila naman, pasimpleng napahagighik at saka sumulyap sa kanya. Bahagya siyang napailing at tinalikuran na ang mga ito. 'Di naman masama ang ugali niya - ayaw niya lang talagang lumalapit sa kanya ang lalaki at pakiramdam niya tuloy, may gusto ito sa kanya! Nandiyan naman si Abe, mukhang gustong-gusto siya - hindi rin nalalayo ang edad ng mga ito. Siguro nasa dalawampu't limang taong gulang na si Abe. At mukhang mahigit tatlumpu na ang lalaking Henri na ito - kumpara ba naman sa kanya, labing -pitong taong gulang pa lang siya! Kaya paanong hindi siya iiwas dito - mukha na niya itong tatay, kahit sabihin pang hindi halata sa itsura nito. Umakyat siya sa puno ng mangga. Nang bigla siyang napangiwi at tila may kumakagat sa kanyang likuran. Inaabot niya iyon ng kanyang kamay, nang bigla na lang madulas ang mga paa niya. Bago pa man siya makahawak sa sanga, agad kumawala ang tili sa kanyang bibig ng maramdamang lalagapak siya sa lupa! Ngunit laking gulat ni Elena ng maramdamang may mga bisig na sumalo sa kanya. Kaagad siyang napamulat mula sa pagkakapikit. At ganoon na lang ang paglunok niya nang mabungaran ang mukha ni Henri! Napigil pa niya ang paghinga; sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya—halos naamoy na nila ang hininga ng isa’t isa! Napakurap-kurap siya at nagmamadaling kumawala sa mga bisig nito. Pasimple pa siyang suminghot at tila nanuot sa kanyang ilong ang mabangong pabango nito. "Are you okay?" Hindi siya makatingin sa mga mata nito. Kunwa'y niyang pinagpag ang sariling damit at tumingala sa itaas. Tila gusto niyang sisihin ang langgam na kumagat sa kanyang likuran! Ngayon, wala na siyang maramdaman? Kainis! "Salamat ho Sir Henri.." Akmang tatalikuran na niya ito nang bigla siya nitong pigilan at talagang hinawakan pa ang palapulsuhan niya! Kaagad niya iyong binawi mula rito. Tiningnan niya ito sa mga mata - malalim na naman ang mga titig na ipinagkakaloob nito sa kanya, na kung minsan labis niyang ikinaiilang. "Ganiyan ka ba makitungo sa mga dayuhan?" tanong nito, halata sa boses nito ang kaseryusuhan. Bahagyang namula si Elena. Alam niya kasing siya lang ang nagpakita ng ganitong klaseng pag-uugali sa lalaking ito. "Pasensya na ho talaga Sir Henri, hindi lang talaga ako sanay na may lumalapit-lapit sa aking lalaki. Lalo na kung makakasama ko pa. Kaya ganito na lang ang pag-iwas ko sa inyo." Napakurap si Elena nang mapansing tila napangiti pa ang lalaki - ngunit kaagad din iyong nabura sa mga labi nito. Hindi nga niya alam kung namalikmata lang ba siya. "Anak!" Sabay pa silang napalingon. Ang kanyang ama. "Ilibot-libot mo muna si Sir Henri dito sa hacienda, gusto niya raw makita ang ibang taniman dito." Biglang napaawang ang labi ni Elena. "Pero, itay - nandiyan naman ho sila Mang Joseph --" "Marami silang gagawin, anak." Nang pasimple siya nitong senyasan na huwag na siyang magprotesta pa. Bigla siyang napasimangot ng magpaalam na ito sa lalaki. Gusto niyang taliman ito ng mga mata ngunit hindi niya magawa. Hindi nga lang niya maitago ang pagsama ng awra ng mukha niya. Kung bakit sa dinami-rami ng tauhan, sa kanya pa talaga ipinagkatiwala ang lalaking ito? At talagang malaki ang tiwala ng kanyang itay sa lalaking ito? Isang tikhim ang pinakawalan nito. Hindi niya naiwasang tingnan ito sa mga mata. At talagang mukha pa itong masaya? Biglang napaglapat ni Elena ang mga labi niya sa pinipigilang inis! Hindi nga niya maintindihan kung bakit ganito na lang ang inis na nararamdaman niya. Tahimik siyang tumalikod - naramdaman naman niya ang pagsunod nito. Kinuha niya ang basket at nagsimulang mamitas ng mga prutas. "Hindi mo ba ako kakausapin?" Marahas na napalingon si Elena. Ngunit nagawa pa rin niyang magpakahinahon lalo na't seryoso ang mukha ng lalaki. Tila nasasaktan ito sa ugaling ipinapakita niya. "Magtanong lang ho kayo Sir Henri at sasagutin ko kung alam ko ang sagot," wika niya. "P'wede ba tayong maglibot-libot kagaya ng sinabi ng itay mo?" Natigilan na naman si Elena. Maglibot-libot kasama ang lalaking ito? Nang sila lang dalawa? Doon lang din napagtanto ni Elena - bakit pumayag ang kanyang itay na ilibot-libot niya ang lalaking ito? Paano kung may gawing masama sa kanya ang matandang ito? Biglang nanayo ang balahibo sa braso ni Elena. Nang makita niyang bigla itong napailing at bahagyang gumuhit ang ngisi sa mga labi nito. "Hindi ako kagaya ng iniisip mo." Muling namula ang magkabilaang pisngi ni Elena. Paano naman nito nalaman ang iniisip niya? Napaiwas siya ng tingin at muli siyang namitas. "Wala ho akong iniisip na masama laban sainyo - iniisip ko lang kung saan kita maaaring dalhin," pangangatwiran ni Elena. "Sa heaven." Biglang napalingon si Elena. Pabulong lang ang pagkakabigkas nito kaya 'di iyon naging malinaw sa kanya. "Ano hong sinabi niyo?" Nang bigla itong ngumiti na tila may kasamang kapilyuhan. Napaiwas nang tingin si Elena at tila lumakas ang t***k ng kanyang puso! "Kahit saan mo ako dalhin, handa ako." Hindi nakakibo si Elena. Kung kaya niya lang hatakin ang oras para mag-uwian na! Hindi siya komportable! Tila siya sinisilihan sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya kasi, palihim siyang tinititigan ng gurang na ito! Muli siyang napasimangot. Balak niyang kausapin ang kanyang itay, kung bakit siya talaga ang inatasan nitong i-assist ang lalaking ito! Siguradong tutuksuhin na naman siya ng ilang trabahador - lalo na si Mang Joseph!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD