ALAS onse ng gabi. "Bye, Elena. Mag-iingat ka!" wika ni Laila. Kinawayan naman ito ni Elena. "Mag-iingat ka rin!" Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Elena. Tiningnan pa niya ang supot na dala niya. Galing siya sa bahay ng mga Sy, dahil kaarawan ng matandang Sy - ang may-ari ng University. Ang ama ni Joven. Ginabi na nga siya nang uwi at maraming palaro ang nangyari at labis talaga siyang nag-enjoy. Tinukso pa nga siya kay Joven, ngunit hindi na lang siya komontra lalo na't kaarawan ng matanda. Nilingon niya ang driver. Nagtaka siya at nakasumbrero ito at nakasuot na mask. Hindi naman kinabahan si Elena at kilalang-kilala siya ng tagaroon. "Sa Matuninong ako, kuya," nakangiti pa niyang wika. Ngunit hindi kumibo ang lalaki. Nagkibit-balikat na lang si Elena at

