CHAPTER 1

1956 Words
SHANNERA CORONEL TWO YEARS LATER Nakakapagod pa lang maging Financial Manager ng isang Ramm Scott. Dalawang taon na rin siyang nagtatrabaho dito sa Resort na ito. Napabuntong-hininga na lamang siya at pumipikit-pikit na sa sakit ang mga mata niya dahil kakababad sa computer. Maraming mga files pa ang kanyang pepermahan para ipasa sa CEO nila dahil alam niya kapag hindi niya maipasa sa tamang oras papagalitan na naman siya. Nasasanay na nga siyang sinisigawan nito kapag hindi nito nagugustuhan ang mga nakita o nabasa nito. Hindi niya alam kung trabaho pa ba niya ang magpasa ng mga papeles. Anong gamit ng sekretarya nito kung palagi na lang siyang inuutusan? Hinayaan na lang niya ang boss niya dahil nasasanay na siya sa ugali ng binata na palaging galit sa mundo. Ni minsan hindi pa niya ito nakitang ngumiti, pero maliban kay Sandra matamis ang mga ngiti kapag kausap ang dalaga. Pati nga ang mga mata ng binata kumikislap kapag masilayan nito. Ngumiti siya ng mapait. Pumikit siya sandali para makapagpahinga muna ang kanyang nananakit na mga mata. "Sinusuwelduhan ka ba ng kompanyang ito bilang Financial Manager para tumunganga ka lang diyan at matulog!" Tumuwid ang kanyang pagkakaupo sa swivel chair at gulat na napatingin sa nakatayong lalaki. Nasa bungad ng pintuan ang boss niyang si Ramm Scott. "S-sir, hindi naman po ako natutulog. Pumikit lang ako dahil sumasakit ang mga mata ko dahil sa kakababad sa computer at hindi naman po---" "Magdadahilan ka pa ha! Kanina pa ako nakatayo dito sa bungad ng pintuan sa opisina mo, Miss Coronel. Siguro naman hindi ganoon kalaki ang opisina mo para hindi mapansin na may tao na pala ang nandito!" Napatiimbagang ito at lalo siyang nataranta sa sarkastikong boses ng boss niya. "Sa ngayon, Miss Coronel, hahayaan ko muna na hindi umabot sa HR ang ginawa mo. Papalampasin ko muna ang nakita ko ngayon, pero sa susunod na maulit ito ay ako na mismo ang magtatanggal sa’yo sa trabaho. Kapag makita kitang ganito pa rin ang inaasta mo ay pwede ka nang makaalis sa Resort na ito. Bukas ang pintuan sa mga tamad na tao. I will give you a chance, but make sure na hindi na ito mauulit pa." dumagundong ang malamig na boses nito sa loob ng kanyang opisina. Napalunok siya sa sinabi nito, kung pwede nga lang na umalis na siya rito ngunit alam naman niya kapag hindi niya ito makikita parang kulang ang araw niya. "O-opo, Sir! " nauutal niyang tugon dito. Kahit na galit ito sa kanya ay patuloy pa rin ang paglakas ng t***k ng puso niya. Hindi dahil sa kaba, kung 'di sa presensya ng lalaking nasa harap niya. "I need your financial report, and send it to my office immediately, Miss Coronel. Bilisan mo! Ayoko ng pabagal-bagal na tauhan dito sa resort ko, naintindihan mo ba?" tumalikod na ito sa kanya pagkatapos nitong sabihin iyon. Pinuntahan na niya agad ang boss niya nang matapos niya ang dapat kailangan para sa financial report na hinihingi ni Sir Ramm sa kanya. Kapag hindi niya maibigay ang hiningi nito baka sisigawan na naman siya ng supladong boss niya. Habang naglalakad siya patungong opisina nito narinig niyang nagbubulungan ang mga kasamahan niyang babae at alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga katrabaho niya. "Alam mo ba, nagpapahalataan na talaga ang babaeng iyan kay Sir Ramm," bulong ni Marissa, secretary ni Sir Scott. ''Talagang ganoon mahirap talagang maunahan. Akala yata niya mapapansin siya ni Sir Ramm. Halata naman na ang pangit niya kaya at mataba pa. Sinong magkakagusto sa babaeng iyan, aber?" kumunot ang noo niya sa sinabi ni Marissa. Tiningnan niya ang sarili napaismid siya rito. Hindi naman siya mataba at hindi naman siya payat. "Aba! Unang tingin ko pa lang kay Sir Scott, halatang suplado at pihikan sa babae. I am sure sa yaman at ganda ng posisyon ni Sir ay alam naman nating katulad ni Ma'am Sandra ang gusto ni Sir. Sexy, mayaman, at maganda pa. Hindi katulad ng isa r’yan hanggang pangarap na lang." nakangising sabi ni Wilma, isang chef sa resorts na ito. Bago pa siya umalis sa harapan ng mga ito ay humarap muna siya at ngumisi siya sa dalawa. "Kahit ganito lang ako, kahit hindi ako kagandahan, at sexy, hindi naman ako katulad ng iba d’yan na kahit anong paretoke sa mukha ay hindi pa rin gumaganda!" asik niya sa mga ito. Napasinghap at napahawak sa mukha si Marissa. "At hindi naman ako katulad ng iba d’yan na kahit maliit lang ang dibdib ko, pantay naman. Hindi katulad ng isa d’yan na malaki nga ang boobs ay hindi naman pantay." parinig niya sa dalawa. Lihim siyang napangisi sa reaksyon ng dalawa. Rinig niyang napasinghap at napahawak sa dibdib si Wilma. Gulat na napatingin ang dalawa sa kanya. Tinalikuran na niya ang mga peke na ngayon ay hindi makapaniwala sa sinabi niya. Anong akala ng mga ito magpapadaig siya? Niknik lang nila! No one allowed to insult her except Ramm Scott the love of her life. Dumiretsong pumasok siya sa loob ng opisina ng boss niya. "What is this, Miss Coronel? Ito lang ba ang lahat na hinihingi kong financial report ha!" Galit na initsa sa ibabaw ng mesa nito ang makapal na papeles. Dahil sa lakas niyon ay nahulog sa sahig ang iba pang papeles na ibinigay niya rito. Napapikit siya at napaigik sa sakit nang matamaan ang nasugatan niyang paa. Napakagat-labi siya dahil sa sakit niyon. Nasugatan kasi siya kahapon nang dahil kay Sandra. Papasok na sana siya sa opisina ni Ramm nang bigla na lang nitong binato sa paanan niya ang baso kaya ayon nasugatan siya na hindi man lang siya tinulungan ng mga ito na linisan ang sugat niya bigla nalang siyang pinagalitan at pinalabas pa sa opisina. "Ano tumunganga ka lang ba dyan Miss Coronel?!" napapitlag siya sigaw nito at galit na napatayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel. "S-Sorry, Sir. Iyan ho ang financial report noong isa't-kalahating taon. Ang tatlong buwan po kasi kasalukuyan pa lang ginagawa at---" Pagak itong natawa. "Ano ito? Naglolokohan lang ba tayo dito, Miss Coronel?" Umiling siya. "H-hindi po, Sir." nauutal niyang sagot at yumuko sa harapan nito. "Maghahalos dalawang-taon ka ng Financial Manager dito sa Scott Island Resort na ito, Miss Coronel ngunit ang pinagtataka koy’ saan ang tatlong buwan na financial report. Bakit hindi pa tapos!" "S-Sir, talaga naman pong---" napatigil siya sa psasalita ng pinutol nito iyon. "I don't need your any explanation, Miss Coronel. I have already given you 6 hours para maibigay mo sa akin ng tama ang inuutos ko sa’yo. I don't care kung ano ang gusto mong gawin para matapos agad iyan. Ipa-overtime mo pa sa mga tao mo or ikaw na lang magdo-double time para matapos iyan ngayong araw na ito. You can go now!" "Y-Yes, Sir!" Dinampot niya ang mga papeles na nasa paanan niya at hindi ininda ang sakit sa paa niya. Napakagat na lamang siya ng labi para hindi nito marinig ang hikbi niya. Nang matapos niyang kunin lahat ng papeles sa sahig ay tumayo na siya at tinalikuran ito. Akmang bubuksan na sana niya ang pintuan ng bigla na lang itong bumukas at iniluwa niyon ang isang lalaking hindi niya kilala. He is tall, dark, and handsome man on the way, and you'd chase him off. He was an exceptionally handsome man, pero hindi niya ito type. Lumabas na siya ng tuluyan at hindi na nagpaalam sa boss niya. RAMM SCOTT Napahilot sa sintindo si Ramm ng pagkalabas ni Shannera kung ‘di dahil sa kapalpakan nito, hindi iinit ang ulo niya. "Dude, that was harsh!" bungad sa kanya ni Thoth ng tuluyan na itong makapasok sa opisina niya. Napatayo siya at sinalubong ito ng yakap. Lumayo na siya rito at takang tiningnan ang kararating na kaibigan. "Himalang nakauwi ka dito sa Pilipinas!" nakangising salubong niya rito. "May hinahanap kasi akong baliw na babae," sagot nito sa kanya nang makaupo ito sa couch. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Himala may babae na ang nakakuha ng atensyon nito. "Sinong babae?" nakangising tanong niya. "Divina Portiego. " Napangisi siya nang makita ang mga mata ng kaibigan na kumislap ng binanggit ang pangalan ng babae. Napailing siya at naglakad pabalik sa kanyang swivel chair at umupo. "Ano naman ang ginawa niya sa’yo?" "Nasa teresa ako at may kinausap sa telepono ng bigla na lang may tumamang tennis ball sa noo ko at hindi man lang siya nag-sorry sa akin at sinigawan niya pa ako na kasalanan ko pa raw kung bakit ako nasa teresa at nagbabalandra ng abs sa mga kapitbahay!" nanggagalaiting sabi nito sa kanya. Napasimangot ito sa kanya ng humagalpak siya nang tawa "Ang astig ng babae, dude! Bagay talaga kayo,” Tukso niya dito kaya napangiwi ito sa kanya. "Anong pinagsasabi mo diyan na bagay kami ang sarap tirisin ng babaeng iyon! Pwede nga iyon isako dahil sa 5 ft ang height kasyang-kasya." Napailing na lang siya. "Huwag ka ng tumanggi d’yan. It so obvious na may gusto ka sa kanya. Kahit hindi ko nakita ang nagngangalang Divina na iyan," Kumibit-balikat lang ito sa kanya. Kumunot ang noo niya ng ngumisi ito sa kanya. ''May sasabihin ka ba sa akin, dude?" "What are you trying to say?" naguguluhan niyang tanong dito dahil hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. "Bakit ba palaging mainit ang ulo mo sa financial manager mo?" takang tanong nito. "I don't know why Thoth. Gusto ko siyang magalit para pansinin niya ako. I just want to see her cheeks turns red when she gets mad at me. I was confused why am I curious about her. I think I developed feelings to her, but..." napatigil siya parang nag-alinlangan na sabihin sa kaibigan. "But, what?" "I like Sandra too and I don't want my feelings towards, Shannera. Matagal ko ng gusto si Sandra simula bata pa lamang ako." Napahilamos siya sa kanyang mukha. He doesn't know what's happening to him. Gusto niya ang dalawa, pero hindi niya alam kung sino ang mas gusto niya. Si Sandra na matagal na niyang kakilala dahil childhood friend niya ito at si Shannera mga dalawang taon din niya itong kilala. "Malaking problema iyan. Sino ang mas matagal mo nang kilala?" Kahit na nagtataka siya sa tanong nito ay sinagot naman niya. "Si Sandra." "Hindi ka ba nagdududa sa nararamdaman mo kung bakit ka nagkagusto sa dalawang babae?" naguguluhan siya sa tanong nito. "Kung bakit nagkagusto ka bigla sa Financial Manager mo." "Ano ang ibig mong sabihin?" "Dude, pakiramdaman mo ang sarili mo. Kapag naisip mo ba silang dalawa, sino ang mas matimbang at ang lakas ng pagpintig ng puso mo kapag siya na kaharap mo?" Napatahimik siya sa sinabi nito at pakiramdaman ang sarili. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Mas lalo siyang naiirita sa kanyang sarili. "Hindi ko alam. Naguguluhan ako sa feelings ko sa dalawa." Napailing na lang ito sa kanya. "Pag-isipan mo iyan ng mabuti at pakiramdaman mo ang sarili mo, Ramm. Hindi pwedeng dalawa ang babaeng nagustuhan mo dahil sa kanilang dalawa mas lamang pa ang isa d’yan. Ang isa nasa isip mo lang na gusto mo siya dahil matagal mo na siyang kasama, pero sa totoo lang hindi mo pala siya gusto. Nakasanayan mo lang siyang nakasama at akala mo’y gusto mo siya. Ikalawa bigla na lang dumating sa buhay mo na hindi mo inaasahan. Bigla na lang naramdaman mo na lang na mahal mo na pala siya nang hindi mo namalayan. Kahit ipilit sa isip mo na hindi mo siya mahal, pero ang puso mo ang nakakaalam kung sino sa dalawa." Tumayo na ito pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyon. Mas lalo siyang naguguluhan. Posible pa lang magkakagusto ka sa dalawang tao na magkaiba ang personality nilang dalawa. He heavily sighed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD