CHAPTER 2

2058 Words
SHANNERA Napaangat ang ulo niya mula sa pagta-type ng financial report sa computer ng bumukas ang pinto ng opisina niya. Bumungad sa kanya ang kaibigan niyang si Nikola na bahagyang isinungaw ang ulo sa pinto. "Hi," malamyang sagot niya at binalik ang tingin sa mga binabasang papeles habang ang isang kamay niya ay nag-i- edit ng financial report. "Teka nga," Napakunot ang noo nitong napatingin sa kanyang paa. "Bakit may dugo diyan sa paa mo?" Sinipat nito ng mabuti ang kanyang sugat. "Nasugatan ka ba?" takang tanong nito sa kanya. Huminga siya ng malalim at tumango. "Oo, kahapon dahil kay Sandra. Binato niya sa paanan ko ang baso kaya ayan nasugatan ako. Ngayon, may binato na naman sa paanan ko si Ramm Scott. Hindi ko na nga ito nalinisan dahil pinagalitan pa ako at kailangan ko raw matapos itong letseng report na ito!" nakasimangot niyang sabi sa kaibigan na ngayon ay nakabusangot na ang mukha. Tinalikuran na siya nito at may kinuhang first aid kit sa cabinet niya. "Bakit ba ang lalaki na iyon ay ang bigat ng dugo niya sa'yo?" Yumuko ito sa harapan niya at nilinisan ang sugat niya sa paa. Kumibit-balikat siya dahil hindi naman niya alam kung bakit. "Ewan ko, hindi ko rin alam. Baka galit siya sa akin dahil ako lang ang pangit at mataba dito sa resort niya nagtatrabaho," walang ganang sagot niya na hindi na nag-abalang magtaas ng tingin buhat sa mga binabasang papeles. Baka papagalitan na naman siya ni Sir Ramm kapag hindi pa niya natapos itong pinapagawa nito sa kanya. "Hindi ka pangit at ang sexy mo kaya!" nakangiting sabi nito sa kanya na nagpagaan ng kalooban niya. Tumingin siya sa kaibigan at ngumiti. "Iyan ang gusto ko sa'yo, binobola mo ako at bino-boost mo ang ego ko, Nikola." Natawa na lang ito sa sinabi niya at pagkatapos nitong nilinisan ang sugat niya ay saka lang ito tumayo. "Tutulungan na lang kita para madali kang matapos diyan sa ginagawa mo," suhestiyon nito, pero umiiling siya dito. "Huwag, ano ka ba! Naghihintay na ang anak mo doon." Pagtataboy niya kay Nikola. "Okay, sige. Mauna na ako sa'yo?" naninigurong tanong ni Nikola sa kanya. "Oo nga, ang kulit mo talaga! Pakikumusta ako sa inaanak ko ah?" "Oo, sasabihin ko sa kanya. Alam mo naman ang batang iyon kapag naririnig ang pangalan mo ay palaging gusto ka niyang makita. Nagtatampo na nga ako sa anak ko parang ikaw pa ang ina kaysa sa akin," sumimangot ang mukha nito kaya natawa na lang siya. "Loka ka talaga!" natatawang aniya, pero napatigil siya nang biglang lumungkot ang ekspresyon nito. "Anong nangyayari sa'yo?" Napabuntong-hininga ito. "Nagtanong sa akin si Fedde, kung saan ang daddy niya." "Ano naman ang sagot mo sa kanya?" " I told him the truth, Shanny. Matalino ang anak ko kaya hindi na pwedeng magsinungaling sa kanya. Mas mabuti pang sabihin ang totoo kaysa itago sa anak ko kung ano ang totoo." Napangiti siya sa sinabi nito. "Kahit masakit na itinakwil ako ng ex-boyfriend ko dahil sa maling paniniwala niya. Mas mabuti pang huwag ko na lang sabihin ang totoo kay Felix na siya ang totoong ama." Naintindihan niya ang kaibigan at sinusuportahan niya ito sa kung anuman ang pipiliin nitong landas. Mas mabuting hindi na lang magtagpo ang dalawa kaysa naman mas lalong masaktan ang kaibigan niya sa gagong ex-boyfriend nito na kilalang doktor sa England. "Oh siya, mauna na ako sa'yo, Shanny." Nang umalis na ito ay pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Mga ilang oras niyang ginugol ang financial report na ginawa niya. Mag-isa niyang tinapos ito dahil ayaw na niyang mag-abala ng kasamahan niya. Nangangawit na nga ang kanyang leeg at pati puwetan. Namamanhid na ito dahil hindi siya umaalis sa kanyang kinauupuan hanggang hindi niya natatapos ang pinapagawa ng boss nila na kasing sama ng demonyo ang ugali. 'Pero mahal mo naman saad ng kanyang isip.' Napabuntong-hininga na lang siya bago napagdesisyonan niyang tumayo na at ininat-inat niya ang katawan. Kinuha niya ang shoulder bag niya at sinukbit ito. Binitbit niya na rin ang mga papeles. Humugot siya ng malalim na hininga bago siya pumasok sa opisina ng boss nila at kaagad siyang naglakad patungo sa tapat ng mesa ni Ramm at inilagay doon ang mabigat na papeles na bitbit. "Sir," untag niya kay Sir Ramm na nakatutok pa rin ang atensyon nito sa papeles na binabasa nito. "Iyan po lahat ang mga kailangan ninyong financial report. Pwede na po ba akong umuwi?" bagkus na sagutin siya nito ay tinanong siya nito na nagpagulat sa kanya. "Have you eaten dinner?" Ito ang unang beses na tinanong siya ng ganito. Nakakapagtaka lang kasi kapag pumunta siya rito ay papaalisin kaagad siya kapag nakuha na nito ang kailangan at hindi na siya nito papansinin. "H-hindi pa po, Sir. Kaya nga uuwi na ako para makakain na sa bahay," tugon niya rito. "Let's have dinner bago ka umuwi sa bahay ninyo." pag-alok nito sa kanya. Hindi niya malalaman kung nag-aaya ito o inutusan siya ng binata para bang nag-uutos sa halip na magyayaya. Seryosong sinalubong niya na ang mga mata nito na nakakaadik tingnan at pati dimples nito na nababagay talaga. "No need, Sir. Kailangan ko na pong umuwi dahil hinahanap na po ako sa amin, " Napansin niyang natigilan ito sa sinabi niya. "Kung wala ka na pong inuutos sa akin ay uuwi na po ako dahil gutom na gutom na po ang alaga ko sa tiyan," sarkastikong aniya at kaagad na tinalikuran na niya ito. ---- RAMM SCOTT Natigilan si Ramm at napatitig dito dahil ngayon lang niya makitang seryoso ang mukha ni Shannera at pati tono ng boses ng dalaga ay nag-iba. Sa dalawang-taon na niyang nakakasama ito ay alam na niya na ang ugali ng dalaga. Palaging nakangiting na hindi mo mababakasan ang lungkot ang mukha nito ngunit kaibahan ngayon. Parang hindi niya kilala ang nakaharap para bang ibang tao ang nakita niya. "Kung wala ka na pong inuutos sa akin ay uuwi na po ako dahil gutom na gutom na po ang alaga ko sa tiyan." Tinalikuran na siya nito at kaagad na lumabas sa opisina niya. Napailing na lang si Ramm at napangisi sa ginawa ng kanyang Financial Manager. May iba pa lang ugali ang dalaga na nakadagdag ang paghanga niya dito. He likes the way she talks that way. Dinampot niya kaagad ang cellphone niya na nasa mesa. Nang tumunog ito ay kaagad na may sumilay na ngiti sa labi niya nang makita ang pangalan ng babaeng matagal na niyang minahal na si Sandra. "Hello, Sandra!" puno ng galak ang tono ng boses niya. [Saan ka?] "I'm here at my office, why?" [Puntahan mo 'ko dito sa Boutique ko, Ramm. Gusto ko lang na may kasama ngayon. Birthday ko pa naman wala akong kasama ngayon.] Napangisi siya rito. "Alam kong naglalambing ka na naman. Pupunta na ako diyan at ano ang gusto mong iregalo ko sa'yo?" [Huwag kang mag-abalang bumili sa akin ng gift. Presence mo lang ay okay na sa akin. Thank you, Ramm. Buti ka pa may oras sa akin at iyong isa ay wala dahil busy sa trabaho niya.] Napatiimbagang siya sa sinabi nito. "Kung ako sa'yo, huwag mo na siyang isipin. Wait for me, okay?" [Oh! Sige na, bye!] "Bye! I love you Sandra!" Gusto sana niyang dugtungan na hindi sa pagiging kaibigan kung 'di bilang lalaking handang ibigay ang lahat sa'yo. Natawa ito sa kabilang linya. [I love you, my dear!] Binabaan na siya nito ng tawag at napagdesisyon niyang pumunta sa jewelry store ng kaibigan niya. ------ SHANNERA CORONEL Nakasakay na si Shannera ng taxi ng tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad naman niyang sinagot nang makita ang boss niyang si Ramm ang tumawag. "Hello, napatawag po kayo?" [Can I ask you a favor?] Kumabog ng malakas ang puso niya nang marinig na naman niya ang baritonong boses ni Sir Ramm. Agad din napalitan ng kunot na noo niya sa sinabi nito. Akala naman niya tinawagan siya para pilitin siyang makipag-dinner dito. Naghihinayang siya na tinanggihan niya ang pag-yaya nito sa kanya o matatawag pa ba iyon na pag-yaya. Iba naman kasi ang pag-yaya dahil tono ng boses nito ay parang napipilitan lang o nag-uutos sa kanya. "Yes, sure. What is it, Sir?" [I need your help with something.] "Okay, sabihin niyo na kung ano ang kailangan ninyo." [I don't know what's the best gift for someone special. So, I need you to accompany me. I will wait for you at Suivoe Jewelries.] "Okay po, Sir." Bumaling siya kaagad sa Driver at sinabi niya dito ang mall kung saan ang Jewelry shop ng kaibigan ni Sir Ramm. Pumasok na kaagad siya sa loob ng Mall at kaagad na nagtungo sa Suivoe Jewelries. Nang nasa harapan na siya ng Shop ay napansin niya na naghihintay na sa kanya ang boss niya. Nakapamulsa pa ito at para bang naiinip na sa kakahintay. Napanguso siya sa itsura ng binata. Bakit ba mas gumagwapo sa kanyang paningin ang boss niya? Nahihibang na ba siya sa lalaki? Haiist! Huwag naman sana. Ayaw niyang mapunta sa Mental hospital nang dahil sa baliw sa pag-ibig na iyan. "Come, I want you to choose the perfect gift na nababagay sa pagbibigyan ko," yaya nito kaya sumunod na rin siya. Humarap sila sa mga naggagandahang mga accessories na ang ganda ng pagkakadesinyo. Bawat nakikita niya sa store ay nagkakahalagang milyones ang bawat isa sa mga alahas. Mas mababa pa nga ang 50 thousand. Umaaliwas ang mukha niya at napangiti nang makita ang magandang disenyo. Nakuha nito ang atensyon niya na kaagad naman niyang tinuro ang pendant. Simple, but the designed is unique for her kaya ito ang tinuro niya. Bumaling siya kay Sir Ramm na nakatalikod sa kanya. Gusto niyang malaman kung sino ang pagbibigyan nito. Kinalabit niya ito na kaagad namang lumingon sa kanya. "What?" Kunot-noong napatingin ito sa kanya. " Sino po ba ang pagbibigyan mo ng regalo?"she curiously asked. "It's none of your business, Ms. Coronel. You are just my financial manager so stop asking me," supladong sagot nito sa kanya. Napangiwi siya at napasimangot sa pagiging suplado na naman nito. Oo nga naman, ano naman ang pakialam niya kung sino ang pagbibigyan nito? Isa lang siya sa mga tauhan ni Sir Ramm. "Sorry po, Sir." Yumuko siya at tinalikuran na niya ito. Nag-alalang napatingin sa kanya ang babaeng nasa harapan niya. "Are you okay, Ma'am?" "Huh?" "Umiiyak po kasi kayo." Napahawak siya sa kanyang pisngi at naramdaman niyang basa iyon. Hindi man lang niya namalayan na umiyak na pala siya. Tipid siyang ngumiti sa babae. "Huwag mo na akong pansinin. Napuwing lang ako." Kaagad niyang tinuyo ang basang pisngi niya nang marinig niya ang boses na nasa likuran niya. Humarap siya dito at hindi na nagpahalata. Humugot siya ng malalim na hininga bago siya humarap dito. "Yes, Sir?" "Lumapit ka sa akin." Sumunod naman siya sa sinabi nito. "Tumalikod ka, Miss Coronel. Tingnan natin kung nababagay ba ang binili kong regalo." saad nito. Napahawak siya sa pendant na pinasuot nito sa kanya at napangiti siya nang makita ang ganda nito. "Ano ang masasabi mo sa pinili ko, Shannera?" tanong nito na kaagad naman niyang sinagot. "Maganda po, Sir." He smiled at her. "Really?" Nagulat siya sa pagngiti nito dahil ito ang unang beses na nginitian siya ng boss niya. Kadalasan kasi ay sisimangutan siya nito. "Yes, Sir." Tumango ito sa kanya at saka bumaling sa babae. "Miss, I will buy this necklace." "Okay, Sir. Two fifty thousand po ang babayarin ninyo at ito na po pala ang lalagyan ng kuwintas na isinuot po ni Ma'am," magalang na sabi ng kaharap nila. He shook his head. Napakunot ang noo niya sa pag-iling nito. "Miss, ilagay mo sa box ang isinuot niyang kuwintas dahil hindi para sa kanya iyan. Pinasuot ko lang kung nababagay ba." Namula naman siya sa hiya sa sinabi nito. Pinasuot lang sa kanya ang kuwentas para lang ipahiya siya sa maraming tao. Magdidiwang na sana siya sa saya na akala niya naman niya ay para sa kanya ang kuwintas. Iyon pala pinasuot lang nito sa kanya at iyon din pala, hindi para sa kanya kung 'di para sa ibang tao. Bakit ba siya aasa na para sa kanya iyon? Umasa pa talaga siya na sa kanya ibibigay ang kuwintas na iyon? Aish! Ito na naman siya sa kakaasa na wala namang napapala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD