Sa Tingin ko ay maghahating gabi na ngayon. Mga ilang minuto ay nagising ako sa di alam na dahilan at ng paggising ko ay gwapo at payapang mukha ni Daemon na natutulog ang bumungad sakin. Sobrang lapit ng mukha namin, halos maghalo na ang hininga naming dalawa. Amoy mint ang medyo mainit niyang paghinga.
Hindi ko alam kung bakit ganto. Hindi ko maigalaw ang katawan ko, malaya ko parin namang naiikilos ang ulo ko pero anong magagawa nito kung hindi ko maiigalaw ang katawan ko. Ano kayang ginawa sakin ng lalaking 'to?
Hindi ako makapaniwala at naiirita ako kung bakit ganto. Gusto kong sumigaw pero magi-guilty ako sa demonyong lalaking mahimbing ngayon' natutulog sa harap ko.
Ba't ko ba kasi masyadong sinubrahan ang kagwapohan ng lalaking 'to sa imahenasyon ko, 'yan tuloy ako ngayon 'tong nahihirapan.
Buti at hindi gaanong mabigat ang isang braso niyang nakayakap sa beywang ko.
It's so awkward. Hindi ako sanay na may katabing lalaki sa kama.
Kahit anong gawin ko ay hindi na ako makabalik pa sa pagtulog, kahit ipikit ko pa ang mga mata ko ay bubuka parin ito para masilayan ang nakakatunaw na kagwapohan ng lalaking 'to.
Ang kagwapohan niya ay hindi pantao. Litteral hindi siya tao kasi demonyo siya. Tsk!
Bumaba ang mga mata ko sa mga labi niyang parang nakanguso. Ang cute nito at mapula pa sa mapula. Parang isang mahinang kagat ko lang ay duduga na.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang may bigla akong naisip. Ano kaya't kagatin ko 'yan at paduguin, parusa ko na rin sa kaniya dahil hindi ako makagalaw ngayon at wala ng ibang may kagagawan nito kundi siya.
Dahan-dahan kong nilapit pa ang mukha ko sa kaniya at inabot ang kaniyang nakakagigil na labi. Nang maglapat na ang mga labi namin ay naipikit ko ang mga mata ko.
It's so soft and hot. Hindi ko na pinatagal pa at ginawa na ang pakay ko. Kinagat ko ang pang-ibaba niyang labi niya. Sa unang pagkagat-kagat ko dito ay mahihina pa ngunit nang akma ko na itong mariing kagatin ay nagbago ang pang-ibaba niyang labi niya. Sa unang pagkagat-kagat ko dito ay mahihina pa ngunit nang akma ko na itong mariing kagatin ay nagbago ang isip ko.
Sinipsip ko ito na may kasamang mahihinang pagkagat. Nalalasahan ko rin ang matamis na lasa nito. Parang nasasarapan ako sa ginagawa ko at ayaw ko ng tumigil.
"Mm..!" I moan.
Hindi pa ako nakuntento at mapusok ko ng hinalikan ang labi niya. Nakakalunod pala ang ganito. Aaminin ko, ito ang first kiss ko at dito pa sa demonyong lalaking 'to. Pero wala akong dapat pagsisihan dahil ginusto ko at worth it naman.
Napapansin ko ay parang gumagalaw narin ang kaniyang labi, sumasabay na ito sa mga galaw ko. Mas lalo kong diniin ang mga labi ko sa kaniya.
Natinag at nahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ang matunog niyang paulit-ulit na paglunok.
I immidiately pull away and then gasp. "Oh my gash..!" Ang tangi kong naiusal. I'm dead!
Nakaawang ang mga labi niya at namumula pa ito. Namumungay din ang mga mata niyang pasipat-sipat sa labi ko pabalik sa mga mata ko. Panay galaw ng adam's apple niya. Nagiging mariin ang mga haplos niya sa beywang ko, napapikit ako ng dahil dun.
Oh my gash... Anong ginawa ko sa kaniya.
"Uh—ah... I'm sorry.. Daemon—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang inangkin ang mga labi ko.
Pinatihaya niya ako at kinubabawan. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil dun.
Ba't ganun? Siya,naiigalaw niya ako pero ako hindi ko maigalaw ang sarili kong katawan.
Agresibo at mapusok ang mga halik niya. His breath ragging, ako naman ay nagiging malalim. Gusto ko siyang pigilan pero wala akong magawa.
"Ahh...!" I moan.
"Why did you kiss me? Why did you do that? " Aniya sa baritonong boses bago bumaba ang halik niya sa panga ko,pababa sa leeg ko.
I don't know what to respond.
Napaliyad ako ng dahil dun. I didn't expect this kind of feel. Kiss,suck and lick he did to my neck that made me almost scream..
Nagtaka ako nang huminto siya sa kaniyang ginagawa at aktibong mga matang matiim na tumingin sakin.
"W–what?" I managed to ask.
Hindi siya sumagot at bagkus ay mariin niyang pinikit ang mga mata niya. His jaw tighten. Hindi ko maintindihan para bang may matindi siyang iniinda.
Ilang segundo ay uling bumukas ang mga mata niya ngunit kakaiba na ito ngayon. Bumalik ito sa pagiging demonyo, naging puro itim ito at may kasama pang pagpula. Nagtubuan narin ang dalawa niyang sungay sa ulo, mga tatlong pulgada ang taas nito. Nagpakita at bumukad narin ang itim at malawak niyang pakpak.
Laglag panga akong nakamasid sa nangyayari sa kaniya. Ginapangan na din ako ng takot.
Sobrang bilis niyang nakaalis sa ibabaw ko at agad na naroon sa malaking bintanang kakabukas lang. Sobrang lakas ng hangin. Namataan ko sa labas ng bintana ang napakalaking buo na buwan.
Lumingon siya sakin. Walang emosyon ang mukha niya, mga ilang segundo itong nanatili sakin bago siya lumipad papaalis. May mga paniki pang nagsisiliparang sumunod sa kaniya.
Ako naman itong nakakagalaw na pero para akong nasemento sa kinahihigaan ko. Naging kalmado narin ang ihip ng hangin. Hindi maalis ang paningin ko sa malaking bintanang nakaharap sakin. Hindi purong puti ang buwan, may kasama itong pula.
"What is happening?"