CHAPTER 2

867 Words
WALA akong sinayang na segundo at dali-dali ng bumaba sa kama at tinakbo ang malaki at itim na pinto ng kwarto ni Daemon. "Oh..! Good heavens." Ani ko nang malamang hindi nakalock ang pinto. Heaven? Eh nasa mundo pala ako ng mga demonyo. Panakaw akong humakbang palabas at palinga-linga sa paligid baka may makakita sakin. Sobrang tahimik ng lugar at wala masyadong ilaw. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang makita ang dingding ng pasilyo. Purong itim ito at may mga nakadikit na nakabaliktad na krus. Parang gusto ko nalang manatili bumalik at manatili dun sa malaking silid ni Daemon kesa dito... Sobrang nakakatakot. Pero ang tanging nasa isip ko ngayon ay ang makaalis sa lugar na 'to at maghanap ng paraan para makabalik sa dati kong mundo. "Pano ba kasi ako napunta sa mundong 'to? Sinong impakto ba ang naghatid sakin?" Kamot sa ulo kong tanong. Nang malagpasan ko ang pasilyong 'yon ay tatlong makakaibang pasilyo na naman ang bumungad sakin. Grabe antapang ko kasi nalagpasan ko ang pasilyong 'yon pero ngayon, ubos ang ang tapang ko masaksihan lang ang tatlong pasilyong 'to na magkakapareho ang mga itsura. Malalim akong bumuntong hininga. "Focus, Belle. Makakaalis ka rin sa lugar na 'to." 'Yong nasa dulong pasilyo ang tinakbo ko. Walang pinagkaiba ang isang 'to dun sa kakalagpas ko lang. Nakakapanindig balahibo din. Madilim pero sa dulo nito ay may naaninag akong ilaw. Nang makalagpas ako ay para akong babagsak sa sahig nang makitang mas dumami pa ang pagppipilian kong pasilyo. "Anong klaseng lugar 'to?!" Pabagsak kong sabi at nameywang. "Kaylaki-laki wala namang kaganda-ganda, puro pasilyo ang nakikita. Nakakatakot pa—" Napahinto ako sa pagmamaktol nang mahagip ng mga mata ko ang may kalakihang bintana. Nakabukas ito, "Sinuswerte nga naman..." Ngumisi ako at tinungo na ito. Nilibot ko muna ang paningin ko sa labas ng bintana. Napangiti ako sa nasisilayan kong ganda ng gabi at kagubatan. "Kagubatan?!" Hindi ko makapaniwalang sabi. "Sa kagubatan nakatira ang lalaking 'yon.. Eh sa imahenasyon ko ay sa engradeng palasyo siya nakatira." Nagtaas ako ng kilay at ngumisi.. "Sus... minalas nga naman siya." Nag-crossed arm ako. "Buti nga sa kaniya. Sana palay di ko nalang siya ginawan ng tahanan sa isip ko. Tsk!" Finally at tumigil na ako sa pagsasalita at tinanaw na ang baba. Laglag ang panga ko at halos lumuwa itong mga mata ko nang makita kung gaano ito kataas. Nangangantog ang mga tuhod ko. Pinikit ko ang mga mata ko at nilakasan ang loob. "Kaya ko 'to... Bahala na't mamatay ako, 'yong lalaking 'yon ang maghirap maglibing sakin." Pinilit kong binubuo ang lakas ko kahit nangangantog pa ang mga tuhod ko. Pinatong ko ang mga paa ko sa edge ng bintana at mahigpit na humawak sa frame nito. Tumingala ako sa napakalaking buwan. Maganda ito pagmasdan pero habang nagtatagal ang tingin mo dito ay para itong binabalot ng pula.. "Ito na, lilipad na ako ay hindi, tatalon pala. Sana ay sa kalagitnaan ko sa hangin ay magkaroon ako ng pakpak kagaya ng kay Daemon pero wag 'yong black gusto ko ng pink." Matapos kong sabihin 'yon ay buong tapang akong tumalon patihaya. Alam kong kabaliwan 'to pero pinikit ko nalang ang mga mata ko. Naramdaman ko ang sobrang lakas at sobrang lamig na hanging sumasalubong sakin. "Ano 'tong ginagawa mo? Gustuhan mo bang tumakas o gusto mong magpakamatay?" Kasing lamig ng hangin ang boses na 'yon. Naramdaman ko sa balikat at hita ko ang mainit na kamay. Nagiging mabagal ang pagbaba ko. May kung anong tunog din akong naririnig. Tunog pakpak na kumakapa? Minulat ko ang mga mata ko at sumalubong sakin ang napakagwapong mukha ni Daemon. Nahuli ko ang mga mata niyang nakatitig sa mga labi ko, agad din namang 'yong lumipat sa mga mata ko. Buti at hindi na siya mukhang demonyo ngayon. Pero..pero panong nandito siya eh kakaalis niya lang kanina. Buhat niya pala ako. Mag-iisang minuto kaming nagkatitigan. Ako na ang umiwas, masyadong seryoso at malalim ang mga mata niya. Nagsisink sa utak ko ang mga kamakailan lang niyang tanong, kunot noo akong bumalik ng tingin sa kaniya. "Talagang gagawin mo 'to makatakas ka lang. And you really think na makakatakas ka?" He chuckled then grin. That made him look more hot. "Gagawin ko talaga 'to makatakas lang ako and if hindi ako makatakas,well, mas mabuti pang mamatay na ako." Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko alam kung nagbibiro ba ako o hindi. Biglang nawala ang emosyon niya at naging blangko ito. Naramdaman kong nakababa na kami, tumiklop narin ang pakpak niya. Dahan-dahan niya akong binaba. Nang makaapak na ako sa lupa ay agad akong lumayo sa kaniya. Nag-aanyong demonyo na naman siya. Nagsitubuan ang dalawa niyang sungay. Nagiging sobrang itim na naman ang mga mata niya. Ma parang itim pang usok ang sumisingaw sa kaniya. Nang malipat ang tingin niya sakin ay sobra-sobra ang naramdaman kong takot lalo pa no'ng ngumisi siya nakakatakot. "You wan't to escape?" Ang kaniyang ngisi ay naging isang nakakatakot na pagtawa. "Go! Don't consume you're remaining time. Run fast!" Pati ang boses niya ay nagbago, talagang tunog demonyo ito na may balak gawing masama sakin. "Don't let me caught you up, Belle. Dahil itatali kita at hinding-hindi na papakawalan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD