I run as fast as I could. Sobrang dilim ng kagubatan pero may mga parte parin namang natatamaan ng sinag ng buwan. Kada punong nalalampasan ko ay may mga kakaibang ibon na nagsisiingayan, ang iba sa kanila ay nagsisiliparan palayo.
Parang may kung anong hayop din na may apat na paa ang sumusunod sakin,may nakakakilabot din itong tunog. Mas lalo akong natakot nang may biglang malademonyong tumawa sa itaas ko.
Nangingilid ang mga luha ko, maya-maya nito ang sunod-sunod na itong magsisituluan. Nag-uumapaw na ang nararamdaman kong takot, hindi ko na mahabol kung gaano ka bilis ang pagtibok ng puso ko.
I remain myself focus, I just keep on running.
"Jesus, lord God. Tulungan niyo po ako.." Sabi ko saking isip.
May biglang malaking ahas ang dumaan sa unahan ko. Napahinto ako at nanigas sa kinatatayuan. Sobrang laki nito at ang itim na kulay ng balat niya ay nagrereflect sa sinag ng buwan. Pinalibutan niya ako.
Jusko, ano na naman 'to? Lord sana'y matulungan niyo ako. Hindi ko alam kung maririnig niyo po ba ako dahil nandito ako ngayon sa mundo ng mga demonyo.
"So—brang natata..kot nako..." Hindi ko na mapigilan ang mapahikbi. Nanlalamig ang mga kamay at paa ko. Nilibot ng tingin ko ang katawan ng ahas patungong ulo niya.
Sa buong buhay ko ay ngayon pa ako nakakakita ng ganto kalaking ahas. Anakonda na ata tawag nito eh. Ganto pala ang pakiramdam ng makakita nito ng harap-harapan, pero mas nakakatakot ang makaharap ang demonyong 'yon.
Biglang nag-anyong katawan tao ang malaking ahas. Panong nangyari 'yon? Itim ang kaniyang kasuotan na parang kasuotan ng normal na tao.
Hindi ko maipagkakailang napakagwapo din niya kagaya ng demonyong 'yon, pero mas gwapo parin si Daemon kung ihahambing.
May katangkaran din ang lalaking 'to. Matangos ang ilong. Mapupula at medyo makapal ang mga labi niya. Manipis at kurba ang kilay niya. Ang nakaagaw sakin ng pansin ay ang kulay asul niyang mga mata at kulay puti niyang buhok.
Mabilis ang lakad niya palapit sakin. Napaatras naman ako at nasa isip ko ang tumakbo pero parang hindi tugma ang katawan at isip ko. Tumatalbong ngayon sa kaba ang dibdib ko lalo na't mukhang pareho pang sila ni Daemon na walang mabuting balak sakin kung makatingin.
Gwapo nga, demonyo naman. Nakakaturn off parin!
"W-wag kang lumapit sakin, d—diyan ka lang—"
Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla niyang hawakan ang baba ko at sinakop ang aking mga labi. Mulat na mulat ang mga mata ko nang gawin niya 'yon.
Oh my gash...!
"Your lips taste good, you Belle, Beverlly Rozie Scarlett." Then his lips form into demonic grin.
Napatakip ako sa nakaawang ko ngayong mga labi. He, he know my full name..! How did?
His about to reach my lips again nang may biglang kung anong sobrang lakas na pwersa ang dahilan para bigla siyang tumilapon. Hindi ko alam kung sino ang maygawa nun.
"Oh my god..!" Feel ko napakasakit nun, sobrang lakas ng impact.
Napaatras ako dahil pakiramdam ko ay nagiging intense ang paligid. Lumalakas at nagiging bayolente ang pagsimoy ng hangin. Halos magawa na akong igalaw ng hangin dahil sa sobrang lakas nito.
May kung anong itim na usok rin ang pumapalibot samin, meron ding sumasabay sa hangin.
Napatingin ako sa lalaking ahas. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaangat siya ngayon. Nakita ko si Daemon na sakal ang leeg ng lalaking ahas. May tumutulo ng dugo galing sa leeg ni Daemon sa lalaki.
Galit na galit ang mukha ni Daemon. May itim na usok na lumalabas sa mga mata ni Daemon. Hindi nakabukad ang pakpak niya, nakaapak lang siya sa lupa habang angat ang lalaki. Matataas din ang kaniyang kuku.
"How the f-ck dare you to kiss and touch her, Lance..!" Matindi ang galit sa boses ni Daemon.
Humalakhak lang si... Lance. Sa nakikita ko ngayon ay nahihirapan na siya sa ginagawa sa kaniya ni Daemon pero nagawa niya paring humalakhak. "Lubusan ang ganda niya para aking maging pagkain."
Tumilapon na naman si Lance at tumama ang likod niya sa napakalaking puno na kilalang Redwood. Malalaking hakbang ang ginawa ni Daemon papalapit kay Lance na ngayon ay sumusuka na ng dugo.
"Talagang sinusubukan mo ako Lance. Masyado mong minamadali si kamatayan!"