CHAPTER 4

634 Words
ISANG ITIM na mahika ang naging isang pormang katawan na may kalakihan ang umatake kay Lance. Si Daemon ngayon ay nagiging pula ang mga mata, hindi umalis ang sobrang nangangaligti niyang tingin kay Lance. Malakas na suntok ang ginawad ng itim na mahika kay Lance, malakas ang pagkatilapon ni Lance sa lupa pero nagawa niya paring tumayo.Puno na ng dugo ang damit niya. Sa itsura niya ngayon ay parang nauubusan na siya nang lakas. I gulped as I witnessing them. Biglang nag-anyong malaking ahas si Lance, pulang-pula ang mga mata niyang sinalubong ang mga tingin ni Daemon. Ang mga dahon ng puno ay panay ang ingayan pati na ang mga kakaibang ibong naroroon. Mas lalo pang nagiging mabangis ang pagsimoy ng hangin. Nilagpasan lang niya ang malaki at itim na mahika, mabilis ang paggapang niyang dumiritso sa kinaroroonan ni Daemon. Sa itsura ngayon ni Daemon ay handa na siyang salubungin si Lance. Para lang akong nanonood ng live na sine. No fees. It's free. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at napatakip ng bibig. Ayokong masaksihan kung anong susunod na mangyayari sa kanilang dalawa. Biglang akong bumagsak sa lupa pero hinayaan ko nalang. "Fer De Lance..!" Isang nagbabantang boses lalaki. Minulat ko ang mga mata ko't nakita ko ang tatlong puro malalaking ahas na may magkakaibang kulay na kakaanyong tao lang. Ngayon ay may puting mahikang namamagitan sa intensyonadong pagtutunggali nina Lance at Daemon. "Enough with this, Lance! Enough!" Nagtitimping sigaw ng lalaking ngayon ay mahigpit na hawak ang braso ni lance na kakaanyong tao lang din. Hindi parin maputol ang matatalim na tinginan ni Lance at Daemon. Nagiging mahinahon na ang paligid. Nakakahinga narin ako ng maluwag. Buti at dumating sila. Napatingin ako sa tatlong nasa gilid, dalawang babae at isang lalaki. Masuri at mariin ang mga tingin nilang tatlo sakin. Seemingly they're familliar to me. "Let's go back to Rapscallion Palace immidiately." Anang isang babaeng may katandaan na. "Hinahanap ka ni Aspen, Lance. May importante kayong pag-uusapan." Sabi naman nung magandang babae na may pink na buhok ngunit na sa akin ang mga magaganda niya mata. Nagulat ako nang bigla niya akong ngitian. Napakurap-kurap ako bago ngumiti ng matamis sa kaniya pabalik. Silang tatlo na nasa gilid ay sabay-sabay na nag anyong ahas maliban kay Lance at 'yong isang lalaki. Nanatili lang silang nakatayo sa harap ni Daemon ngunit ang mga tingin ni Lance ay nasa akin pababa sa mga labi ko. Biglang gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi. "Stop gazing at her lips. That's only mine! She's only mine!" Malamig at seryosong sabi ni Daemon. Ngumisi lang si Lance at sinalubong ang mga tingin ni Daemon. "Sayo nga,natikman ko naman at matitikman ko pa." "Fer De Lance!" Pagalit na sabi nung lalaking may hawak sa mga braso niya. Pagkatapos nun ay uli silang nag-anyong ahas at mabilisang umalis. Ngayon ay kaming dalawa nalang ni Daemon ang naririto. Bw-sit naman oh! Ba't nila kami iniwan. Sinundan ng tingin ko ang dinaanan ng mga malalaking ahas. Sana'y bumalik sila, nakakatakot 'tong si Daemon. Nagdadalawang isip ako kung titingin ba ako kay Daemon pero ngayon ay dahan-dahan nalang akong tumingin sa kaniya. Kalmado na siya ngayon. Nakatago na ang sungay niya. Ito na naman ang hindi makatotohanang kagwapohan ng lalaking 'to. "Nagustuhan mo ang halik niya.." Malalim ang mga mata niyang nakatuon sakin. Dahan-dahan din siyang papalapit ng papalapit sakin. "H–Ha?! Uhmm.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi niya na pag nahuli niya ako ay hinding-hindi na niya ako papakawalan. Patay ako ngayon! Huli na ang naisip kong tumakbo dahil hapit na niya ang beywang ko ngayon. 'Wag siyang masyadong malapit sakin, nakakatakot siya. "I'm asking you Belle, did you like his kiss?" He ask emphasised then glance to my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD