Dalawang araw na rin ang nakalipas mula ng mangyari 'yon. Sa loob ng pahinga namin, natulog lang ako ng natulog.
"Sabagay, hindi na bago sakin yon." saad ko.
Sinulit ko na rin yung tulog ko dahil ngayong buong dalawang linggo, baka magkulang nanaman tulog ko. May rehearsal kami for music contest, kasali din ako sa journalism and chess match.
Buti nalang at hindi ako ganon katalino, iniisip ko palang na iintindihin ko yung sampung contest namin parang mamatay na ko. Grabe, ang galing naman ng ibang student. Tao pa ba sila?
"Ako, tao rin ba ako?" saad ko.
——————
Since, linggo naman ngayon at walang gagawin. Malayo rin naman simbahan dito sa bahay namin, pumunta muna ako sa convenience store malapit samin.
Nakakapagtaka, out of stock sila sa cheddar cheese ngayon. Hays! favorite ko pa naman 'yon. Buti nalang may mozzarella pa, ito muna bibilhin ko sa ngayon.
Iniisip ko kung san ko gagamitin 'tong mozzarella cheese, hmm. A! alam ko na, gagawa nalang ako ng cheese balls. 'Di rin naman 'to masisira kasi ilalagay ko sa ref. Isasama ko na rin 'tong dalawang beer, magpapaka chill ngayong araw.
Habang naglalakad ako pauwi sa bahay, may nakita akong lugar na makabago sakin. Nakakapagtaka, sapagkat sa pagkakaalam ko wala namang ganito dito noon.
Nung sinilip ko ito, laking gulat ko nanaman ng makita ko si Luna, ang pusang malakas tama.
"Ano gagawin mo d'yan?" tanong nito.
"Wala kang pake" sabi ko habang naka-ngiwi.
Nagulat s'ya na natawa.
"Gaya gaya ka ah" sabi n'ya.
Tinanong ko s'ya kung sino yung nakatira doon, at bakit rin s'ya naroon. Nang biglang may lumapit saamin na matangkad, matipuno at gwapong lalaki.
"Luna, luna! Oh luna, anjan ka lang pala kanina pa kita hinahanap" saad nung lalaki.
Sabay lapit ni luna habang nilalambing nito ang kanyang amo.
"meow" nagpapa-cute pa ito.
Sa hindi inaasahan, napatawa ako. Napansin ito nung lalaki, kung kaya't tinanong ako kung sino ako.
"Magandang umaga, binibini. Ano pong kailangan n'yo?" tanong nito habang nakangiti.
Nagulat ako nang tignan ko s'ya sa mga mata. Pakiramdam ko nagkita na kami noon, hindi ko alam kung bakit pero habang tinitignan n'ya ako. Anlakas ng kabog ng dibdib ko, na para bang, na para bang...
"Miss?" tanong nya muli.
"Ah, wala po. Napadaan lang po ako, sabay yuko."
Aalis na sana ako ng bigla n'ya akong hawakan sa braso. Ngunit nang mapatingin ako sa kanyang mga mata, biglang tumigil ang paligid, nararamdaman ko na parang kami lang ang bida. Sasabog na ang kaloob looban ko, nang biglang...
"Hahaha!" hagalgak ni Luna.
Kung kaya't nagising ako sa katotohanan, na medyo nahihiya.
"B-bakit?" sabi ko.
"Uh miss, yung mga b-binili mo pong cheese at drinks, n-nahulog mo po. B-balak ko lang po sana na iabot s-sayo..." pagpapalipawanag n'ya.
"Ah, salamat. Pasensya na, pasensya na." saad ko.
Nakikita ko pa rin at naririnig na natawa si Luna, grabe inlove na ba ako sakanya kaagad agad? Hala! hindi ko man lang natanong ang pangalan n'ya.
Tumingin sakin si Luna na para bang alam kung anong iniisip ko. Kung kaya't gumawa s'ya ng aksyon para magpanggap.
Tumalon s'ya mula sakin at nabasag yung dalawang beers na binili ko.
Napasigaw ako at nataranta yung lalaki, kung kaya't hinawakan nya ang nga kamay ko kung ito ba ay nasugatan. Kinuha nya rin si Luna at humingi ng tawad sakin.
"Pasensya po, pasensya po. Papalitan ko nalang po yung nga beers nyo."
Habang tinatapik nya si Luna at pinapagalitan. Nahulog rin yung ID ko at dinampot nya, ibinalik nya sakin kung kaya't nakita nya rin ang pangalan ko.
"Id n'yo po, miss Victoria Aljera." at talaga naman, tinawag nya pa ako sa buong pangalan ko. Nakakailang dahil nakangiwi na sya ngayon, maging si Luna ay nakangiwi at natatawa na rin.
"Salamat" saad ko.
"Nga po pala, miss Victoria. Ako po pala si Lucas Martinez, dito po ako nakatira sa harapan ng tinatayuan natin ngayon." ngumiti s'ya sabay umalis.
Lumakad na rin ako pauwi para iluto yung mozzarella cheese na dala ko, nabasag pa yung beers ko dahil kay Luna. Pero debale na, atlis namalan ko ang pangalan nya.
"Lucas Martinez" napaisip ako.
Hindi ba't sya yung lalaking sumagip sakin sa building 8 years ago? Hindi ko masyado makita, maalala... Pakiramdam ko tinanggalan ako ng memorya, pero sa pagkakaalam ko. S'ya yun, sya yung lalaking hinahanap ko 8 years ago palang... si Lucas Martinez.
——————
Nakauwi na ako sa bahay at nakapagluto na rin, since wala namang beers... Mac n' cheese nalang niluto ko, buti nalang may mga natira pa rito sa ref na ingredients. Pero, may natira pa rin na. mozzarella cheese, syempre gumawa pa rin ako ng cheese balls, hehe.
To be continued...