bc

My girlfriend is a vampire

book_age16+
16
FOLLOW
1K
READ
tragedy
comedy
twisted
mystery
vampire
highschool
another world
betrayal
special ability
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Victoria Aljero was born with special abilites. She has the abilities to make things move, talk to any animals and has the strongest three senses. Besides, she was bullied by her classmates in her middle school. She has nothing to do but to be firm.

She lived on her own though she doesn't want to to be with her parents, she have a friend that will be always be with her but also left. She was so lonely, and as she think about murdering cause of pain inside. But, she didn't.

Not until she met Lucas Martinez, he change everything and help Victoria to get out of her dark place. He make her sweet and pure, he make her feel love, and change her into a good one.

But, things go wrong. Lucas found out that Victoria's family killed her father. That's why he didn't settle and stay away from Victoria's life.

As Lucas got curious, he dig-out and dig just to find the truth and give justice for his father.

Behind of his sacrifices, Lucas found out more informations as he dig out. He was shocked and scared at the same time.

Why is he scared? see for more stories up!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Alas-dos na ng madaling araw hindi pa rin ako makatulog." bulong ko. Nagawa ko na lahat ng pwesto, umikot na ako ng umikot wala pa rin. Sa kadahilanan na hindi ko naman makuha tulog ko, umupo nalang ako sa gilid ng kama at nag-isip ng mga bagay bagay. "Hays, bakit ba ang ganda ko." Napatalon ako ng may biglang tumawa eh ako lang naman mag isa sa bahay. Tumayo ako at sumilip sa bintana upang tignan kung sino 'yon ngunit wala namang tao. "Andito ako oh, hindi mo ba ako makita" huni ng isang nilalang na 'di ko malaman kung nasaan. "Sino ka?" seryoso kong sabi. "Nasa tabi mo po Victoria" Habang hinahanap ko kung sino yung nagsasalita may biglang tumapik sa akin at laking gulat ko ng malaman na isa itong pusa. "N-nagsasalita k-ka?" utal kong sabi. "Hindi, sadyang naiintindihan mo lang ang sinasabi naming mga hayop." sabi n'ya. "Hala, pa'no nangyari 'yon?" sabi ko na may pagkahalong hanga at lito sa kadahilanan na hindi ko maintindihan kung pa'no ito nangyayari. "Siguro isa ka talagang hayop, at hindi ka tao." saab ng pusa na may hagikgik pa na tawa na para bang nang aasar. "Aba lokong pusa 'to ah, gan'yan ba lahat ng hayop pag kinakausap sila ng mga tao? Sarkastiko e." saad ko habang naiinis. "Well, maybe." "Aba? maalam ka din mag english? Aba'y napakagaling mo naman pala e." At sabay kami nagtawanan. "Alas-tres na, wala ka bang balak matulog?" "Itulog mo muna 'yan ng kaunti" sabay alis n'ya. Tumalon s'ya mula sa bintana ko papunta sa puno sa tabi nito. "Babalik ka pa ba?" sigaw ko. "Wala kang pake" sabi n'ya. Napatawa naman ako na medyo nainis dahil baka yung mga pusa at aso na kinakausap ko noon ganito rin sagot sakin ng hindi ko nalalaman. —————— Nagising ako sa ingay ng alarm-clock ko, nakailang tunog na pala 'to hindi man lang ako nagigising sa sobrang puyat kagabi. Napaka-angas, hindi ako patutulugin ng presensya ko tuwing gabi tapos aantukin sa umaga. Dahil mali-late na rin naman ako at meron nalamang akong 20 minutes para mag-ayos, hindi na rin ako kumain. Matapos maligo at magsuot ng damit, dali dali akong lumabas ng bahay at tumakbo papunta sa school namin. Ni hindi ako nakapag suklay, nakapanalamin. Debale na, maganda naman ako. Hindi na kailangan mag-ayos. "Hoy" sigaw ng pusa. Napatalon nanaman ako dahil sa gulat. "Juskopo maryosep ginulat mo ko 'don ah" "Ang pangit mo 'di ka man lang nag suklay, may pahid ka pa ng laway sa gilid ng labi mo oh naligo ka ba" pang-aasar ng pusa. "Ikaw, kanina ka pang madaling araw nanlalait sakin ah." sabi ko. Tumawa ito sabay sabing, "joke lang". Tinapik ko ang ulo nito at laking gulat dahil nagtitinginan sakin yung mga estudyante. Naririnig ko rin na pinagbubulungan nila ako. "Beh, nakita mo yun nakikipag-away sa pusa". "Weird" "Oo, kilala ko yan kaklase 'yan ng kapatid ko. Sabi lagi daw tulala 'yan sa room nila hindi nakikinig, pero pag tinanong alam naman ang sagot." Sa lahat ng mga bulungan, sa isa lang ako nainis. "Anak 'yan ng engkanto." —————— *ring* *ring* *ring* "Class dismiss, you may now eat your lunch." Pagod na pagod ang iba kong kaklase samantalang ang iba naman ay tuwang tuwa dahil lunch break na. Hindi ako makakain kakaisip, naalala ko sabi saakin ni mama bago ako humiwalay sakanila ay may kakayahan daw ako. Kumbaga, sa mga senses na meron ang mga tao, yung tatlo saakin ay malakas. Iniisip ko kung ano ito dahil, wala naman ako napapansin sa sarili ko. Maliban nalamang dahil madalas akong 'di makatulog sa gabi. Overthink, overthink, overthink. Eh natural naman 'yon dahil may insomia ako. Pero, pa'no ko nakakausap yung pusa? Hays, sakit sa ulo. "Tignan mo yung babaeng weirdo kinakausap nanamn yung sarili." "Kaya nga weird e." Naririnig ko nanaman ang mga chismisan nila sakin. Hindi ba nila alam ang salitang, mind your own business? "Ampucha mga marites kala mo kagaganda e." sabi ko sa sarili ko. Sa ilang taong nagdaan, nasanay na rin ako sakanila. Hindi rin naman sila nag-iisa, madami pang kagaya nila. Ang pinagkaiba nga lang, sila pangit tas yung iba pangit din. Oh diba, walang pinagkaiba. Sa 16 taong gulang kong ito, sanay na sanay na ako. Kahit nga yung pusa kaninang madaling araw chismosa din, ano pa kaya yung tao. "Oh bakit ako nadadamay sa'yo e tunay naman 'yon." Hindi na ako nagulat, kanina pa akong madaling araw ginugulat ng pusang 'to. "Alam mo ba, kung tao ka lang baka nasapak na kita." sabi ko. Sabay tawa nanaman nitong pusa. Angas, natawa pala ang pusa, ang alam ko kasi mga cold blooded lang sila. "Teka, pa'no mo pala nalaman sinasabi ko e 'di naman ako nagsalita." tanong ko. "Nababasa ko iniisip mo." saab ng pusang ito. "Eh? watdahek, so pag nag isip ba ako ng bed scenes mababasa mo din?" tanong ko. "Syempre oo, tas tatawanan kita ng palihim." "Tignan mo yung kaklase mong lalaki, kausap n'ya yung kaibigan n'yang babae. Natawa sila pareho diba, pero ang iniisip nung lalaki nakahubad yung kaibigan n'ya sa harapan n'ya." pagpapaliwanag ng pusa. "Hala!" gulat ko. "Totoo?! napakasama n'ya naman!" saad ko. "Syempre... hindi" sabay hagalgak nito ng tawa. "nakakatuwa 'yon? ikaw talaga!" sabay pitik ko sa noo nito. "oo" sabay talikod nito at lumakad na may pa-kemot pa. "Nga pala, ang pangalan ko ay Luna." sabay alis nito. —————— Hindi ko alam kung bakit karamihan sa mga estudyante ayaw sa subject na AP Biology. Well, 'yon ang last subject namen ngayon. At, kitang kita rin naman sa mga itsura ng nga kaklase ko na tamad na tamad sila. Hmm, siguro gawa rin ng pagod na sila. Except to this one guy, tutok na tutok, literal na nakikinig. Palibhasa second to the highest honor namin 'to, yung nangunguna samin ayon tulog. Pa'no kaya naging first 'yon, charot. "Victoria!" sigaw ng sir ko. Nakita ko na lamang na lahat ng mga kaklase ko nakatingin sakin at yung iba ay natatawa. Habang si sir, galit na galit at nakasimangot sakin. Tumayo ako at humingi ng tawad, sabay sabing. "bakit po, sir?" "May natututunan ka ba sa klase ko ha? Palagi nalang kitang nakikitang tulala sa klase ko." Nakakapagtaka dahil hindi naman ako tulala. Siguro, sa kaloob looban ko nakikinig ako pero sa labas hindi. "Opo, meron po". "Kung talagang may natututunan ka, then give me the energy of biochemica–... " It is the energy stored in organic and living matter. It's potential is to be harvested by living beings to generate hydrogen in either the absence or presence of photonic energy. This photonic energy can come from the sun or a source mimicking the sun." saad ko, sabay ngiwi at umupo. Nagulat saakin si sir na tipong napasabi na lamang na, "sige, nakikinig ka nga pasensya na, well done, Victoria." at ngumiti s'ya saakin. Habang dinidiscuss ni sir yung mga characteristics ng isang biochemical, marami din s'yang iba pang tinopic. "Class dismiss, you can go home now." Maraming mga natuwa at nagmadali lumabas ng room. Grabe, mga senior high ba talaga sila? Para pa ring mga bata. Habang naglalakad pauwi sa bahay, himala dahil hindi ako sinulpot nung pusa. I mean, ni Luna. Sabagay, hindi rin ako naasa. "Napaka-sarkastiko ng pusang 'yon!" pagpapadyak ko at suntok sa pader. Habang may nakita akong isang bata na bumitaw sa kamay ng kanyang ina at dali-daling tumawid ng kalsada. Maraming mga mabibilis na motor, van, kotse na nadaan kung kaya't tumakbo ako papalapit dito para hindi s'ya masagasaan. Nakita ko na may papalapit na truck mula saamin kung kaya't niyakap ko ito at hinarang ang aking isang kamay ng biglang—... "Boogsh" umangat yung ulo ng truck. Maraming mga taong nakatingin, nagulat at naguguluhan maging ako dahil pa'no ito nangyari. Nilapitan kami ng dalawang lalaki at tinanong kung ok lang ba kami, kinarga nung kanyang ina yung bata, at hinawakan ang aking kamay dahil ipinangharang ko daw ito sa truck. Nagulat rin ako, kasi sabi sabi nila na nayupi yung ulohan ng truck ng dahil lang sa kamay ko? Hindi nga ba't nakakapagtaka. Sa sobrang takot at gulo, tumakbo ako at umuwi papunta sa aking bahay. Pagkapasok na pagkasok ko sa loob, hinawkan ko ang aking dibdib na sobrang bilis ng kabog. "Hindi ba't ito yung sinasabi ni mama? na bukod tangi ako sa lahat?" saad ko habang nanginginig ang boses. Dahil sa nangyari, dumiretso ako sa banyo at naghilamos ng mukha. Hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyari kung kaya't hindi na ako nakapag bihis at humiga na lamang hanggang sa nakatulog. —————— Nagising ako muli ng alas-dos ng madaling araw. Naguguluhan na ako, bakit ba ito nangyayari. Andami kong naririnig na ingay ng mga nagsasalita. Pero wala namang tao, ano itong mga 'to? Kinakabahan na ako kasi sa lumang bahay lang namin ako nakatira. Nagpumilit ako kay mama at papa na dito ako patirahin dahil mag-aaral ako sa probinsya. Maayos naman 'tong bahay na 'to, ngunit masyado nga lamang kalakihan para sa isang tao. "Hindi kaya minumulto na ako?" sabi ko sa sarili ko. May narinig muli akong nagtatawanan. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o sadyang may kakayahan lang ako makaintindi sa sinasabi ng mga hayop. "Oo, hindi ka nababaliw. Naririnig mo kami lahat, naiintindihan mo kami lahat at potential mo yun." sabi ng isang gagamba. Nakuha ko na, isa ito sa mga kakayahan ko na sinasabi ni mama noon. Na mag-ingat ako dahil, maaaring maka-apekto ito sa mga tao sa paligid ko. Since hindi naman ako makatulog, I get my phone and search-up. Oo, nag google ako about dito dahil baka kasali ito sa three senses na sinasabi ni mama. Yes, I get it. I found the first one, the tactile or what we called touch. Isa ito sa pang-lima na senses na may potential ako. Ang pagiging malakas at sensitivity dito. We have 7 senses but mom said, I only got three of it. Satingin ko naman iba pa yung tungkol sa pakikipag-usap ko sa mga hayop. Napaisip ako, am I born with special abilities or I just had it by seeking? or maybe I inherit it with my ancestors. But, wait. Isn't it too obvious that I can't even remember some from my past? Well, except from that one night where this guy named Lucas, cargo me and help me to get out of that building. Grabe, pakiramdam ko talaga mamamatay na ako noon. Ikaw ba naman, tapunan ng asin sa katawan mo, sinong hindi masasaktan? I had a mark on my skin din, sa bandang braso ko and I was so irritated. Pero ginamot nya ako nubg nagkasugat ako noon. Nakakalungkot lang kasi, mula nung araw na yun hindi ko na s'ya nakita. Sabagay, bata pa kami non. Well, I'm just eight that time and I guess he's nine. Napaka-soft n'ya, gwapo and... puti. I wonder kung ano na itsura n'ya ngayon since it's been 8 years from now. "S'ya first love ko" bulong ko sa sarili ko sabay tawa. "Anong masama kung magka-crush ng maaga? Atlis crush lang. Hindi naman 'yon pag landi diba kasi kung landi 'yon, atlis nag-aaral naman ako ng mabuti ahihi". saad ko at kinikilig. Palibhasa loyal ako, madami nagkakagusto sakin at nanliligaw pero natanggi ako. —————— "Ala-singko na pala ng umaga." pagkagulat ko. Buti na lamang at sabado ngayon walang pasok, mula ng magising ako kagabi hindi na ako makatulog. Kaya nag ml nalang ako. Lintik, sabi ko pampatulog ko kaso mas nagising kalooban ko sa mga lutang kong kakampi. Nakakatawa, sa sobrang tawa ko pati mga butiki sa sa pader nakitawa na rin. Hahaha! Kaso bukod don, hindi pa rin talaga mawawala ang toxic na kakampi. Hindi lang nakapag-core nagwala na, nagpa-feed. Jusmiyo marimar, kung pwede laang manampal thru' phone, baka basag na eardrums nito. "Hindi na rin muna ako kakain, wala naman magagalit. Kidding". Matapos ko maglaro ay chinarge ko na ang aking cellphone at natulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
80.9K
bc

Daddy Granpa

read
300.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook