Chapter 2

1364 Words
"Itay pakiusap, pumayag na po kayo." Nakikiusap na salita ni Rozel, matapos tabihan ang kanyang ama sa kahoy nilang upuan. Kababalik lang nila sa kanilang tahanan mula sa pagbisita sa bahay ng ninong niya. "Hindi Rozel, hindi ako makakapayag na mawala ka din sa pamilya natin. Ako dapat ang gumagawa ng paraan para matustusan ang pangangailangan ng inay mo. Alam kong makakahanap pa ako ng ibang paraan. Hindi kita hahayaan na mapunta sa poder ng ninong mo. Patay na si Kumpadre. Kung alam ko lang na mahirap palang pakiusapan ang anak ni Arcel, hindi na sana ako pumayag na pumunta pa sa maynila." Malungkot na lamang siyang napatingin sa mukha ng kanyang ama. Kita ang paghihirap sa mukha nito. Hindi na ito nakakapasok sa trabaho dahil sa pagbabantay sa kanyang ina. Siya naman ay nahinto na rin sa pag-aaral dahil wala na siyang pang bayad ng matrikula. Dama ni Rozel ang pagod sa kanyang ama. Alam niyang nalapitan na nito ang halos lahat sa mga katrabaho at kakilalang kaibigan. Kaya wala na siyang alam na maaari pa nitong malapitan para mautangan. "Romel! Rozel anak!" Sabay silang napalingon ng kanyang itay sa kamang hinihigaan ng kanyang inay. Agad nila itong dinaluhan. "Zeleste! Inay!" Nataranta sila ng kanyang ama ng makita nila ang pusisyon ng kanyang ina. Namimilipit ito sa higaan habang sapo ang sumasakit na tiyan. "Hindi ko na kaya! Masakit na masakit na..." Nahabag si Rozel sa kanyang ina. Hindi niya mapigilan ang mapaluha habang nakikita ang paghihirap nito. "Itay dalhin na po natin ang inay sa ospital." Agad namang kumilos ang kanyang ama. Binuhat nito ang kanyang ina habang siya ay umiiyak pa ding nakasunod sa mga ito. Diyos ko, iligtas nyo po ang inay ko. ******* Arc "That's it? Sa tingin mo makakatulong sa kumpanya iyang mga sinabi mo?" Walang emosyong tanong ni Arc sa empleyado niya na halata na ang kaba sa mukha habang nakatingin sa mga mata niya. Sa dami ng mga kumpanya na kakumpitensya ng kumpanyang pag-aari niya. Imposibleng pumatok sa mga tao ang iminumungkahi nitong bagong design. "Marami ng design ang nailabas ng Arcfurniture. Sa tingin mo ang ganyang klase ng design ay makaka-enganyo sa mga costumers? Gusto ko kayong gumawa ng bagong konsepto ng design na kaiba sa inilabas natin last year. Babae ang titingin sa design ng closet na yan. Make it unique, yung hindi pa nakikita ng iba. Simple pero maganda." Aniya sa seryosong tono na sabay-sabay na sinagot ng mga empleyado at board members niya. "Yes Sir!" Dinismiss na niya ang mga ito. Dahil wala na rin namang pumukaw sa intires niya mula sa mga design na ipinagawa niya sa mga ito. Aksaya lamang sa oras niya!  Tumayo na siya at tinungo ang kanyang opisina. Pero hindi pa man siya nakakalapit sa pinto niyon ng makatanggap siya ng tawag sa mayordoma ng bahay niya. "Sir good morning po, may delivery po dito sa labas." Bungad nito sa kanya na ikinakunot ng noo niya. "Delivery ng ano?" Tanong niya sa walang buhay na boses habang papasok sa opisina niya. "Galing daw po sa Hikari's flower shop." "At para kanino ang mga bulaklak?" Mahina ngunit may talim na tanong niya. Humigpit ang hawak niya sa aparato. Hindi niya gusto ang narinig. May ideya ng pumapasok sa isip niya, pero hindi niya lubos maisip na mas makakaramdam siya ng pagkulo ng kanyang dugo dahil sa sagot na maririnig niya mula sa kanyang mayordoma. "Para daw po kay Miss Rozel." B*lls*it! ***** Rozel Kagigising lang ni Rozel ng umagang iyon. Nang makarinig siya ng malakas na kalabog mula sa labas. Agad siyang bumangon upang alamin ang pinag gagalingan ng ingay na narinig niya. Nang makalabas siya ng pinto ng kanyang silid. Kita niya ang natatarantang kilos ng kanilang mayordoma. Lumapit siya dito upang alamin ang ikinatataranta nito. "Manang Cering ano pong nangyayari? Bakit po kayo natataranta?" Tanong niya sa mayordoma na takot siyang nilingon. "Si Sir Arc kasi.. Nasa gate at nagwawala." Napasinghap siya sa narinig mula sa mayordoma. Ano naman kaya ang dahilan ng pagwawala ng ninong niya? Para malaman ang dahilan ng pagwawala ng ninong niya. Agad niyang tinakbo ang daan papunta sa gate ng bahay. At mula sa kinatatayuan, kita niya ang ginagawa ng Ninong Arc niya. Panay ang hagis nito sa mga paso na may mga makukulay na bulaklak. Hindi siya nag aksaya ng oras. Agad niya itong nilapitan para pigilan sa ginagawa nito. "Ninong! Tama na po!" Sinubukan niyang hawakan ang braso nito pero madali lang nito iyong nahawi, dahilan para matumba siya. "Naku po! Miss Rozel ayos ka lang ba?" Alala siyang nilapitan ng kanilang mayordoma. Pero binaliwala lamang niya ang kirot na naramdaman sa siko niya. Nang makatayo siya muli niyang nilapitan ang ninong niya. Pero ang sumunod na nangyari ay hindi na naman niya napaghandaan. Matalim ang mga mata ng ninong niya ng lumapit sa kanya. "You! Hindi ba't sinabi ko na sayong wag na wag kang lalabas ng kwarto mo! Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko!?" Napaatras siya ng hablutin ngninong niya ang braso niya. "N-ninong nasasaktan po ko.." Nahihintakutang salita niya. Pinilit niyang agawain ang kanyang braso. Pero sa bawat pagpiksi na ginagawa niya mas lalo lang humihigpit ang kapit nito sa kanya. "Talagang masasaktan ka kapag sinuway mo pa ako!" Galit na anito habang hila-hila ang braso niya. Sinubukan siyang tulungan ng mayordoma pero sininghalan lang ito ng ninong niya. At dahil sa takot, mas pinili na lamang nito ang tanawin siya habang hinihila ng ninong niya papasok sa malaking bahay. Iyon palang ang unang beses na sinigawan siya ng ninong niya. Hindi niya alam kung ano ang ikinagagalit nito. Para bang may kinalaman siya sa mga ibinato nitong bulaklak. Hindi naman kasi siya nito tinataliman ng mga mata kung wala din naman siyang kasalanang ginawa. Hindi naman siya lumabas ng bahay. Kaya bakit inaakusahan siya nito na gumawa ng labag sa kagustuhan nito? "Ninong ano po ba ang kasalanan ko?" May takot ang tinig na tanong niya na ikinalingon nito. Madilim ang mukha nito habang may talim pa rin sa mga mata. Nakaigting ang panga nito habang galit na nakatingin sa kanya. Dahil sa takot. Mas pinili na lang niya ang magbaba ng ulo. Ayaw na ayaw niya itong nagagalit. Kaya nga sobrang ang pag-iingat na ginagawa niya para lang huwag masuway ang mga utos nito. Masama itong magalit. Alam niya kung gaano ito kahigpit. At kung gaano ito kalupit. Minsan lang ito kung makipag-usap sa kanya. Madalang pa nga kaysa sa patak ng ulan. Swerte na nga kung kausapin siya nito, dahil magmula ng tumuntong siya sa pamamahay nito, hindi talaga siya nito kinakausap. Hindi rin ito ngumingiti. At laging madilim ang bukas ng mukha. Pero kahit ganun. Hindi pa talaga siya nito pinagbuhatan ng kamay o sinigawan. Iyon palang ang unang beses. Napakurap siya ng pabalya siyang paupuin ng ninong niya sa loob ng opisina nito. Ni hindi man lang niya namalayan na naipasok na siya nito sa pribado nitong opisina mula sa unang pasilyo ng bahay. "Ayusin mo na ang mga gamit mo?" Singhal nito na ikinakaba niya. "Ninong?" Nagtatanong ang mga mata niya habang nakatingin dito ng diretso. Hindi pa rin nagbabago ang aura nito. Galit pa rin. Hindi niya alam ang gusto nitong ipahiwatig sa sinasabi nito? Palalayasin na kaya siya nito? "Aalis ako sa makalawa. Tatlong buwan akong mawawala. Iimpake mo ang mga gamit mo at sasama ka sakin sa Arzella beach resort." Madiing salita nito na ikinamaang niya. Alam niya ang lugar na tinutukoy nito. Ang resort nito ay matatagpuan sa isla ng San Felipe. Ang alam niya bago palang nitong ipinapatayo ang resort nito roon. Kasama na ang hotel na matatagpuan din sa isla. Bihira lang itong umuwi sa kadahilanang mas madalas itong namamalagi sa Arzella. At sa loob ng dalawang taong pagtira niya sa poder nito. Ito palang ang unang beses na isasama siya sa resort nito. "Sigurado akong hindi kana doon malalapitan ni Stone." Napabalik siya sa wisyo dahil sa isinatinig nito. Tumingin siya sa mga mata nito at parang mas lalo lang nadagdagan ang madilim nitong aura dahil sa pangalang binanggit nito. Sino naman kayang Stone ang tinutukoy nito? Lihim siyang napasinghap ng may kumudlit na alaala sa isipan niya. Stone? Hindi kaya ang kaibigan nito ang tinutukoy nito? Pero anong kinalaman sa kanya ng Stone na iyon? At ng ikinagagalit nito? Naguguluhan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD