Chapter 1

831 Words
PANAY ang iyak ng dalagang si Rozel. Masakit para sa kanya na makita ang ina habang nilalabanan ang sakit nito. May sakit sa bato ang kanyang ina. At dahil sa kakulangan sa pera. Nagdesisyon ang kanyang ama na magtungo sa maynila upang kausapin ang Ninong Arc niya. Isa lamang pahinante sa isang pabrika ang ama ni Rozel. Hindi sapat ang perang sinasahod ng ama nito para matustusan ang gamot at pagpapa ospital ng kanyang ina. Kaya naman napilitan itong makipag kumunikasyon sa kumpare nito na taga maynila. Isinama siya ng kanyang ama para dalawa sila na makikiusap sa Ninong niya. Baka mas matulungan sila kung kasama siya. Pero hindi inaasahan ni Rozel ang kahihinatnan ng pakikipag usap nila sa Ninong Arc niya. "Hindi kita mapahihiram ng pera kung wala rin namang kolateral." Nakaramdam ng awa si Rozel para sa kanyang ama. Hindi rin niya inaasahan na may ugali pala ang ninong niya. Hindi niya ito kilala. Minsan lang daw itong napadpad sa lugar nila kasama ng Daddy nito. Ang ama nito ang talagang kaibigan ng ama ni Rozel. Pero dahil mahina at may iniinda na ding karamdaman, kaya iminungkahi na lang na ito ang tumayong ninong niya noong binyagan siya. Ang alam niya sampung taong gulang palang ito noong binyagan siya. Kaya ito palang ang unang pagkakataon na nakaharap ni Rozel ang lalake. Nakikita niyang may maawtoridad na aura ang Ninong Arc niya. Base na din sa tindig at itsura nito. Hindi man lang nga nito nginitian ang kanyang ama ng dumating sila sa bahay nito. Disi- nuebe palang siya at lubos na niyang napagtatanto na wala silang makukuhang tulong mula sa lalake kung hindi nila ibibigay ang nais nito. Ito na lamang ang makakatulong sa pamilya nila. Malubha na ang kanyang ina at kailangan na ng mahabang gamutan. Wala na silang ibang mapupuntahan. Ayaw din naman silang tulungan ng mga kamag anak nila. Huminga si Rozel ng malalim at kusang naglakas loob na nagsalita. "Sapat na po ba akong pambayad kapalit ng halagang kailangan ni Itay?" Diretso lang ang tingin niya sa lalakeng kaharap. Alam niyang nauunawaan nito ang sinasabi niya. Siguro naman sapat na siyang pambayad para sa operasyon ng kanyang ina. Kahit pa nga kinakabahan siya at nakakaramdam ng panginginig ng tuhod dahil sa matiim na pagtitig ng lalake sinikap niyang paglabanan ang emosyon. "Anak hindi mo ito kailangang gawin, hahanap na lang ako ng ibang paraan." Umiling siya sa kanyang ama. Malaki ang pagtutol nito. Pero buo na ang pasya niya. "Ihahanda ko na ang tseke." Nakagat niya ang ibabang labi ng tumayo ang Ninong Arc niya. Pero mabilis ang naging galaw ng kanyang ama. Hinila siya nito patayo dahilan para mapahinto ang kanyang Ninong Arc. "Aalis na kami salamat na lamang, pasensya na sa abala." ****** Arc "Please naman pare, pumayag kana! Hindi naman na menor de edad si Rozel. Kaya siguro naman pwede ko na syang yayaing lumabas? Humihingi ako sayo ng permiso dahil ikaw ang godfather nya. Payagan mo na akong ligawan si Rozel." Kumuyom ang kamao ni Arc ng marinig ang pakiusap ng kaibigan niya. Kanina pa siya nito kinukulit sa isang bagay na ayaw niyang gawin. Bukang bibig na nito ang pangalan ni Rozella magmula ng pumasok ito sa opisina niya. At kanina pa din siya naiinis sa inaakto nito. Para bang hindi ito negosyante kung kumilos. Sa halip kasi na naroon ito sa kumpanya nito at nagtatrabaho gaya niya. Heto at ginugulo siya. At ang mas nakakainis. Asawa niya ang pinag-uusapan nila! "Lumayas ka sa opisina ko! Wala kang mapapala sa'kin Stone." Galit na aniya sa kaibigan na ikinasimangot nito. Akala niya aalis na ito, pero muli lang itong nagsalita na nagpadagdag pang lalo sa inis na nararamdaman niya. "Kung ganun aakyat na lang ako ng ligaw. Pupunta ako sa inyo bukas. Kung ayaw mo naman pala syang lumabas na kasama ako. Doon ko na lang sya liligawan sa bahay mo." Matapos ng sinabi nito. Saka lang ito lumabas sa opisina niya. Pero ng makapagsolo na si Arc. Galit itong tumayo at ibinato ang upuan sa pintuang nilabasan ng kaibigan. Wala siyang pakialam kung masira man ang swivel chair niya. Walang pwedeng magpahupa sa galit niya ng hindi siya nakakapag bato ng kahit na ano. Nangyayari na ang mga bagay na gusto niyang iwasan. Mga bagay na may kinalaman kay Rozella. Kung hindi lang sana siya kinulit ng mga kaibigan niya. Hindi naman talaga niya idadaos ang birthday niya. Masyado lang talagang makulit sina Rocket at Topas kaya hindi rin nangyari ang gusto niyang solong selebrasyon. Dahil tuloy sa nangyari. Aksidenteng nakita ni Stone ang asawa niya. Isa ring makulit si Stone. Tiyak na hindi siya nito tatantanan hangga't hindi niya binibigay ang gusto nito. Pero hindi kasali roon ang asawa niya! Malalim siyang napabuntong hininga habang nakatingalang nakapamaywang. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano niya ilalayo si Rozella kay Stone. Wala siyang balak na ipakilala sa kahit kaninong lalake ang asawa niya. Dahil pag-aari na niya si Rozella!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD