"Rozella! " Napabangon sa higaan si Rozel dahil sa narinig niyang malakas na tinig ng ninong niya. Nagmula ang tinig sa labas ng kanyang silid. "Rozella!? Open the door!" Lumunok siya ng ilang ulit at takot na humakbang palapit sa pinto. Dinig na dinig niya ang malakas na kalabog mula sa pagkatok ng ninong niya sa pintuan ng kanyang kwarto. Nakaramdam siya ng panginginig ng kamay ng hawakan niya ang doorknob at marahan iyong pihitin pabukas. Puno ng takot niyang hinarap ang ninong niya na nakatayo sa labas ng silid niya. May galit siyang nasasalamin sa mga mata nito. Malalim ang paghinga at nakaigting ang panga. Para itong tigre na handa na sa paglusob sa sino mang kaaway nito. "N-Ninong.." Napaatras siya ng magsimula itong humakbang papasok sa silid niya. "Anong hindi mo naiintindi

