NAGING maayos ang buhay ni Rozel sa nakalipas na ilang buwan. Nasanay na rin siya sa buhay niya. Ang laging nakakulong at pasikreto lamang na sumisilip sa maliit niyang bintana sa likod ng bahay ng ninong niya. Palihim din at puno ng pag-iingat sa tuwing pumapasok siya sa mansion. Gaya na lang ng araw na iyon. Nalaman niyang kaarawan ng ninong niya. Dumating ang ilan sa mga kamag anak nito maging mga kaibigan. Sa kagustuhan na makita ang mga nagkakasayahang bisita. Kahit wala pang pahintulot mula sa ninong niya. Pumuslit si Rozel. Lumabas siya ng silid niya at tinahak ang daan patungo sa kusina ng mansion. Walang tao ng pumasok siya sa kusina. Pero mula roon dinig na dinig niya ang ingay na nagmumula sa malaking sala ng buong bahay. Marahan siyang humakbang palapit sa gilid ng pint

