"Pirmahan mo na." Lumunok muna si Rozel bago niya abutin ang panulat na nasa ibabaw ng mesa. Marahan ang naging paggalaw ng kamay niya habang isinusulat ang pirma niya sa papel na nasa harap niya. Ang papel na iyon, na ayon sa kanyang ninong ay siyang mag uugnay sa kanila bilang ganap na mag-asawa. Pero nagawa man niyang pirmahan ang papel na iyon. At matuwa matapos nitong matulungan ang mga magulang niya. Simula naman ng pumayag siya sa kagustuhan ng ninong niya. Mula sa paghingi nito ng kapalit. Dahil sa tulong na ibinigay nito. Si Rozel ay hindi na nakalabas pa ng bahay. Dumoble sa una ang mga dapat niyang sundin sa mga utos ng ninong niya. Bahay at eskwelehan. Iyon ang naging routine niya araw-araw. Kahit sumapit pa ang ikadalawampung kaarawan niya at pagtatapos sa kulehiyo. At

