UMIIYAK pa rin si Rozel habang nakasakay sa itim na van. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya kinuha ng dalawang nakaitim na lalake. Basta hinaklit na lang siya ng mga ito. Natatakot siya para sa kanyang sarili. Pero mas nangingibabaw ang pag-aalala niya para sa kanyang ina. Umiiyak ito habang pilit siyang hinahatak ng mga lalakeng kumuha sa kanya. Ni wala man lang siyang nagawa para tulungan ang kanyang ina. Sinikap man niyang manlaban. Baliwala rin ang lakas na meron siya kumpara sa lakas na taglay ng mga lalakeng kumuha sa kanya. "Malapit na tayo kay Boss." Napakurap siya sa sinabing iyon ng lalake na may tattoo sa braso. Kausap nito ang isa pang lalake na abala naman sa pagmamaneho. Sa likuran siya nakaupo at magmula ng umandar ang van na sinasakyan nila hindi na siya tinapun

