Chapter 5

1191 Words
"Parang awa na ninyo wag ang anak ko! Pauwi na si Romel, antayin nyo muna sya saglit sigurado akong may dala na siyang pera." Panay ang iyak ng ina ni Rozel dahil sa labis na pagkaawa sa kaisa-isang anak. Sapilitan itong hinihila ng dalawang lalake na bigla na lang sumulpot sa maliit nilang bahay. "Inay..!" Walang nagawa ang ina ni Rozel ng tuluyan ng mahatak ng dalawang lalake ang anak nito. Papasok sa isang itim na van. Nanlumo ang matanda. Hindi niya inaasahang mangyayari ang suliraning iyon sa buhay nila. Sising-sisi siya sa sarili. Kung hindi sana siya nagkasakit. Siguradong wala silang inaalalang ano man. Masaya sana sila. Pero dahil sa kagagawan niya, sa pagiging mahina niya. Pati ang anak niya ay nadamay. Panay pa din ang pagpatak ng luha ng ina ni Rozel. Hindi na niya natatanaw ang anak. Nakuha na ito at naisama ng sapilitan ng dalawang lalake. Tiyak niya na mga tauhan iyon ng negosyanteng si Ricardo Celeste. Ang taong pinagkakautangan ng kanyang asawa. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iyak ng marinig ang yabag ng asawa. Umiiyak siyang lumapit dito. "Romel ang anak natin..May kumuha kay Rozel. Pakiusap tulungan mo ang anak natin!" Nagtaka ang ina ni Rozel ng walang imik lamang na pumasok ng bahay ang asawa nito. Nahinto ang matanda sa pag-iyak. Agad itong sumunod sa asawa nito na malungkot ang mukha ng matunghayan niyang nakatingin sa litrato ng kaisa-isa nilang anak na dalaga. "Romel? Hindi ka man lang ba  nababahala para kay Rozel? May kumuha sa kanyang mga lalake. Paano kung mga tauhan iyon ni Ricardo? Baka mapahamak ang anak natin." Kausap nito sa asawa na malungkot siyang tinapunan ng tingin. "Patawarin mo ako Zeleste...Patawad...Wala na akong ibang maisip na paraan para mailigtas ang ating anak." "Hindi kita maintindihan? Ano ba ang sinasabi mo?" Puno ng kaguluhang tanong niya sa asawa na mahina nang humihikbi. "S-si Rozel..I-Ibinenta ko..A-ang anak natin. Para mabayaran si Ricardo." Malakas na napaiyak ang ina ni Rozel. Nanikip ang dibdib nito at hindi nito matanggap ang mga narinig mula sa asawa. Ang pinakamamahal niyang anak... Hindi... ***** Arc NAPAHAWAK si Arc sa kanyang sentido ng muli na naman iyong sumakit. F*ck! Hindi akalain ni Arc na hanggang sa Arzella ay susundan siya ni Stone. Sinabihan na niya itong hindi siya pumapayag na ligawan nito si Rozella. Pero sadyang matigas ang bungo nito. Dahil kani-kanina lang  nalaman niya na kumuha ito ng kwarto sa hotel niya. Paano ba niya mailalayo sa kaibigan ang asawa niya? "N-Ninong?" Marahan siyang lumingon ng marinig ang tinig ni Rozella. Lihim siyang napamura ng makita ang suot nito. Nakasuot ito ng asul na summer dress na hanggang hita lang ang haba. Nakaramdam siya ng pagkulo ng kanyang dugo habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. "Binilhan kita ng mahahabang bestida, bakit ganyan ang suot mo!?" Iretableng tanong niya na ikinapitlag nito. Tumayo siya at galit na lumapit dito. Hinaklit niya ang braso nito at matalim ang mga mata itong tinitigan. Nainis siya ng umiwas ito ng tingin. Kaya naman gamit ang daliri. Mariin niyang hinawakan ang baba nito upang paharapin sa kanya. "Ano ba ang hindi mo naiintindihan sa mga patakaran ko? Sinabi ko na sayo na ayaw na ayaw ko na nagsusuot ka ng maiiksing damit! May gusto ka bang akitin kaya ganyan ang suot mo!" Singhal niya na ikinaputla ng mukha nito. "N-Ninong.. S-Sorry po.. H-hindi ko po sinasadya. Wag po kayong magalit. Wala po akong gustong akitin." Naiiyak na tugon nito na ikinahinga niya ng marahas. Pilit niyang pinakalma ang sarili. At ng kumalma na siya saka palang niya ito nagawang bitawan. "Nasa hotel si Stone. Manatili kana lang sa kwarto mo. Huwag na 'wag kang lalabas hangga't wala ang permiso ko." May diing utos niya na sunod-sunod nitong tinanguan. Napatitig siya sa mukha nito na mariing nakakagat sa labi. Wala itong lipstick dahil sadyang mapula na ang labi nito. Hindi tuloy niya maiwasan na mapatitig sa labi nito. Tila inaakit siya niyon dahilan para mag nais siya na halikan ito. "Rozella." Mahinang usal niya sa pangalan ng asawa, matapos ay dahan-dahan ang ginawa niyang paglapit. Kumibot ang labi na tumingin ito sa kanya at mas lalo lang siyang naghangad na mahalikan ito. Iyon ang bagay na hindi pa niya nagagawa magmula ng ikasal niya ito sa sarili niya. Umangat ang isang kamay niya at masuyong hinaplos ang pisngi nito.  Hindi niya ito hinayaang makalayo sa kanya dahil humakbang pa siya palapit dito at hinapit ito sa beywang gamit ang isa pa niyang kamay. Nakita niya ang pagkabahala sa mukha nito. Pero hindi naman ito gumalaw o umiwas ng tingin sa mga mata niya. Bagay na ipinagdiwang niya. Gusto niyang sa kanya lang ito nakatingin. Lalo na ngayong napakalapit nila sa isa't-isa. "Kung magsusuot ka ng maiksing damit gaya ng suot mo ngayon. Gusto kong gawin mo yan sa mga mata ko lang. 'Yung ako lang ang nakakakita. Wag mong kalilimutan na pag-aari na kita Rozella." Anas niya na ikinatango lang ulit nito. Napamura siya ng lihim ng makaramdam ng init ng mas ilapit pa niya ang sarili sa katawan nito. S*it! "Rozella.." Paos ang tinig na tawag niya sa pangalan ng asawa habang nasa malalim na paghinga. Marahan niyang hinahaplos ang likod ng baywang nito. At ng marinig niya ang mahina nitong pag-ungol sa pangalan niya dahil sa ginagawa niyang paghaplos sa likod nito. Tuluyan na siyang nawalan ng pagtitimpi. "A-Arc.. Hmm.."  Sinibasib niya ng mapusok na halik ang labi nito. Para siyang uhaw na uhaw habang inaangkin ang malambot nitong labi. Oh f*ck! "Gusto kong marinig ulit ang pagtawag mo sa pangalan ko. Now again baby.." Hingal niyang sabi habang pinauulanan ng pinong halik ang palibot ng labi nito. Ngayon lang niya pinangahasan na halikan si Rozella. At hindi niya akalaing ganitong pakiramdam ang maidudulot niyon sa kanya. Nakakabaliw. "A-Arc... Mas naging mapusok ang sunod na kilos ni Arc. Para siyang baliw na baliw habang muling inaangkin ang labi ni Rozella. Kahit pa nga marahan lang ang paggalaw ng labi nito at hindi siya nasasabayan. Sapat na ang mainit nitong halik na bumubuhay sa kalamnan niya para mas maging pangahas pa siya. Lagpas sa mga bagay na hindi niya inisip na magagawa pala niya. Ang tuluyang maakit sa kanyang asawa. Noon pa man ay kaakit-akit na si Rozella sa paningin niya. Pero ni minsan hindi siya gumawa ng kapangahasan o nag-isip ng kahit na anong kahalayan. Ginawa niya ang lahat para lang huwag mapalapit dito. Noon ayaw niya dahil kampante lang siya na sa kanya lang ang buong atensiyon nito. Kaya naman naging masungit at suplado siya dito. Walang ano mang malisyang relasyon. Kaya nga ninong ang tawag nito sa kanya. Pero ngayong angkin niya ang labi nito. At binubuhay nito ang init sa katawan niya. Hindi na niya gustong ituring pa nito bilang godfather nito. Ngayon pa kung kailan umiiksena si Stone! Handa na siyang langkapan ng relasyon ang pagiging mag-asawa nila ni Rozella. Hindi siya makakapayag na magkagusto ito sa kaibigan niya. "For now on. Pangalan ko na lang ang itatawag mo sakin. Bawat maling pagtawag mo sakin. Isang halik ang katumbas Rozella. Understand?" Mahinang bulong niya matapos lubayan ang labi nito. Nang makita niya ang paglamlam ng mga mata nito na parang maiiyak, kinabig ulit niya ito palapit sa katawan niya saka ito mahigpit na niyakap. Oh my baby..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD