MAAGANG nagising si Rozel para maghanda ng almusal. Kalalabas lang ng inay niya nung isang araw sa ospital. At naging maayos naman ang operasyon nito. Pero kailangan pa nitong magpahinga ng husto para tuluyang gumaling.
Papasok na siya ng kanilang kusina ng makarinig siya ng tinig. Ang kanyang mga magulang ay nauna na palang nagising kesa sa kanya. Mukang nag aalmusal na ang mga ito. Maaga sigurong papasok sa trabaho ang ama niya kaya maaga ding nagising.
May ngiti si Rozel sa labi ng humakbang papasok ng kusina. Pero napahinto rin siya sa paghakbang ng may mabungarang lalake sa loob ng kanilang kusina. Sumisimsim ito ng kape mula sa tasa habang prenteng kausap ng ama niya. Ngayon lamang niya nakita ang lalake. Pero sigurado siya na may hindi magandang dala ang pagharap nito sa mga magulang niya.
Nakatingin lamang siya sa lalake habang malumanay na nagsasalita. "Gusto pong sabihin ng amo ko na nagbago na ang isip nya patungkol sa naging usapan ninyo. Kailangan na ninyong mabayaran ang perang inutang nyo sa kanya. Binibigyan nya na lang kayo ng dalawang araw. Oras na hindi nyo maibigay ang pera sa takdang oras. Kukunin nya ang lahat ng meron kayo kapalit ng halagang nautang nyo." Natutop niya ang bibig dala ng labis na pagkagulat.
Isang daang libong piso ang halaga ng operasyon ng inay niya. Hindi pa kasama ang mga gamot. Saan naman kaya sila kukuha ng ganoong halaga sa loob lamang ng dalawang araw? Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa lalake na tila hindi naman siya napapansin sa kinatatayuan niya.
Sinaid muna nito ang laman ng tasa bago muling makipag-usap sa ama niya. Marami pa itong sinabi sa ama niya bago ito tuluyang tumayo sa kinauupuan nito. Aalis na sana ito ng magsalita naman ang itay niya.
"Paano kung hindi namin maibalik agad sa itinakda ninyong araw ang perang nahiram ko? Alam nyong hindi rin sasapat na pambayad ang mga gamit namin dito sa bahay."
May pag-aalala sa tinig ng itay niya. Sa tabi nito ay tahimik lamang na nakikinig ang inay niya.
"Kung hindi ninyo maibabalik ang hiniram ninyong pera. Sigurado akong hindi lang ang buhay ninyo ang manganganib. Pati na rin ang sa kanya." Nakaramdam siya ng kaba ng tumingin sa gawi niya ang lalake.
Tumatagos sa kaluluwa niya ang may kalaliman nitong tingin. Halatang inaaral ang kabuuan niya. Nakaramdam siya ng pagkabahala lalo na ng ngumisi ito. Nang mapagawi siya sa kanyang ama halata rin ang takot sa mga mata nito.
Nakahinga lamang ng maluwag si Rozel ng tuluyan ng lumabas ng kanilang kusina ang estranghero nilang bisita. Mabilis na lumapit ang dalaga sa mga magulang nito. May butil ng luha ang mga mata ng inay niya. Bagay na ikinalungkot niya. Kagagaling lang nito sa ospital. Hindi pa ito tuluyang magaling sa kabila ng katatapos palang na operasyon. Sa halip na magpahinga, tila madadagdagan pa ang sakit nito dahil sa balitang nalaman nito.
"Itay? Pwede ko po bang malaman kung kanino kayo nangutang ng perang ginamit sa operasyon ng inay?" Seryosong tanong niya ng makalapit sa mga ito. Nagkatinginan pa ang mga magulang niya bago siya harapin ng kanyang ama.
"Kay Ricardo Celeste." Mahinang anas nito na ikinagimbal niya.
Kilala niya ang lalakeng tinutukoy ng kanyang ama. Ang walang pusong negosyante na nagmamay-ari ng negosyong kakumpitensya ng pabrikang pinapasukan ng itay niya. Pero paano ito nagawang mautangan ng ama niya? Gayong galit din sa lalakeng iyon ang ama niya.
Kung ganun nag sinungaling sa kanila ang ama niya ng sabihin nitong pinahiram ito ng isang kaibigan. Naguguluhan siyang tumitig sa mukha ng kanyang ama. May pagkabahala sa mukha nito.
Kung nagsasabi ng totoo ang ama ni Rozel. Tiyak na manganganib nga ang mga buhay nila dahil nagtiwala ang ama niya sa isang ganid na tao.
Ano na ang gagawin nila ngayon?
*******
Rozel
NAALIMPUNGATAN si Rozel. At ng magmulat ng mga mata, tumambad sa kanya ang liwanag na nagmumula sa binta ng kwarto niya. Liwanag na mula sa buwan. Gabi na pala. Mukang mahaba ang naging tulog niya. Na saan na kaya ang ninong niya? Nakakain na kaya ito ng pananghalian?
Dahil nakatulog siya ng mahabang oras. Hindi rin pala siya nakapag lunch. At kung gabi na, sigurado siyang magagalit ang ninong niya dahil pati hapunan ay nalagpasan na din niya. Napaka antukin mo talaga Rozel!
Tinuktukan niya ang ulo dala ng labis na pagkakamali. Nakatayo na siya ng humilab ang tiyan niya. Gutom na siya! Agad na siyang lumabas ng silid dahil sa labis na pagkagutom. Hindi naman siguro siya maliligaw oras na hanapin niya ang kusina. Iisang hagdanan lang naman ang dinaanan nila ng umakyat sila sa ikalawang palapag ng bahay. Siguradong pagbaba niya makikita agad niya ang kusina.
Pababa na si Rozel ng hagdan ng may marinig siyang tinig. Mga nagtatalong tinig.
"Saan mo nga kasi sya dinala? Bakit ayaw sabihin ng mga katulong mo kung na saan si Rozel? Nagpadala ako sa kanya ng bulaklak. At ayon sa flower shop. Hindi raw natanggap ang mga bulaklak na ipina deliver ko sa bahay mo. Pare naman! Maayos kitang kinausap noong nakaraang araw. Ang sabi ko liligawan ko si Rozel. Kaya bakit bigla na lang syang nawala sa bahay mo? Na saan ba talaga sya?" Natutop niya ang bibig at hindi na niya tinangka pa ang humakbang pababa, matapos marinig ang mga pahayag na iyon ng kaibigan ng ninong niya.
Nakaramdam siya ng kaba na baka ikagalit lang ng ninong niya ang pagsulpot niya sa ibaba. Kaya naman mas pinili na lamang niya ang muling umakyat.
Pabalik na sana siya sa kwarto ng marinig niya ang boses ng ninong niya na nagpahinto sa paghakbang niya.
"Hindi ko alam kung na saan si Rozella. Bigla na lang syang umalis ng hindi nagpapaalam. At pwede ba Stone, tigilan mo na ang inaanak ko. Kinausap mo man ako tungkol sa sinasabi mong balak na panliligaw. Pero hindi ibig sabihin niyon na pumapayag ako." Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa salitang binitiwan ng ninong niya. Tila wala talaga itong balak na ipakilala siya sa mga kaibigan nito. Hindi nga ba't iyon ang dahilan kaya siya nito isinama sa Arzella.
Pero bakit kaya siya gustong ligawan ng kaibigan nito? Isang beses palang naman siya nitong nakita. Imposible namang nagustuhan siya nito agad.
Nakapagtataka? Bakit kaydali lang para sa kaibigan nito na magustuhan siya? Balak pa talaga siyang ligawan! Samantalang ang ninong niya. Dalawang taon na niyang kasama, pero hindi man lang nagparamdam sa kanya ng kakaibang damdamin. Para bang hindi sila mag asawa.
Hindi tuloy niya maiwasang hindi ikumpara ang kaibigan nito sa ninong niya. Bakit napakahirap para sa ninong niya na natanggapin siya bilang parte ng buhay nito?
Mahirap ba siyang mahalin?
Hindi ba talaga siya karapat-dapat na makatanggap ng pagmamahal mula sa lalakemg bumili sa kanya?
Sa lalake na ngayon ay asawa na niya?